Tahimik na pinapanood ni Martha ang anak na naglalaro ng biglang tumunog ang cellphone niya at agad niyang nakita na si Genaro ang tumatawag. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya dahil alam niyang mayroon itong ibabalita sa kanya kaya tinatawagan siya.
"H-hello...".nauutal na wika ni Martha.
"Pwede ka bang makausap ng sarilininan? May importante akong sasabihin...".
"Tungkol ba sa...Sa pinapaimbestigahan ko sayo??".kabadong sagot niya.
"Oo...".
"May nalaman ka bang...masamang balita...".hirap na bigkas ni Martha habang nakatitig sa anak na walang kamalay malay sa pinagdadaanan niya.
"If possible pwede bang wag sa phone??".
"Sige....Ibibilin ko muna si Martina kay Mommy..".
"Sige...Sana magkita tayo agad...I want to show you something.".
"Okay,bye...".pigil ang emosyon ni Martha habang nag iisip kung papaanong makukumbinsi ang ina na bantayan si Martina lalo na at alam nito na hindi siya umaalis ng hindi kasama ang anak.
Pero kailangan niyang makaalis mag isa para katagpuin si Genaro ng mabigyang linaw na ang mga agam agam niya at ng malaman niya ang mga hakbang na dapat gawin."Hi Mamita...Busy ka po??".magiliw na bungad ni Martha sa ina ng sagutin nito ang tawag niya.
"Oh bakit? May problema ba??".
"Walang problema Mommy....Pero pwede ba akong maglambing sayo??".
"Sabihin mo na Martha wag ka ng pasuspense..Pwede ba??".
"Pwede bang bantayan mo si Martina today?? Aalis ako eh.".
"At san ka pupunta aber?!".
"Sabi mo magpapayat ako...Gusto kong mag gym..Eh alangan namang isama ko ang anak ko dun..Baka mamaya madisgrasya pa si Martina..".
"Gym ba kamo??".
"Opo..".
"Seryoso ka ba anak?".tila tuwang tuwa na sagot ni Corazon sa anak.
"Oo nga po....Pero secret lang natin to ha...Wag mo sanang sabihin 'to kay Anton...Magcecelebrate na kasi kami ng 11th anniversary namin next month....Gusto ko sanang sorpresahin ang asawa ko sa araw na yun...Gusto ko sexy na ako kaya susundin ko na ang payo mo lara sa balik alindog ko..".
"Aba anak....maiigi yan ahh...Ngayon din pupunta na ako diyan..Alam mo naman na gustong gusto komg magpapayat ka anak..".
"Eto na nga mommy diba?? Kaya dali na...Para makaalis na ako..".
"Oo na....".ani ng ina niya bago nito pinutol ang tawag para puntahan siya.
Pilit na pinapakalma ni Martha ang sarili habang naghihintay sa ina. Ayaw niyang maramdaman o mahulaan nito na may nangyayari sa kanya dahil tiyak na mag aalala ito.
"Mama...".mahinang tawag sa kanya ng anak ng lapitan siya nito.
"Yes anak...".
"Bakit ka sad..?".
"Hindi naman sad ang mama anak eh...nakangiti nga oh..".aniya sa anak sabay ngiti nito.
"Sad ka eh....".
"Hindi sad ang mama....May iniisip lang...Darating ang Mamita mo ha....Siya muna magbabantay sayo mamaya dahil may lakad ang mama..
"Di po ako kasama???".
"Alam mo anak...May secret ang Mama..Gusto mo ba ishare ko sayo..?".
"Opo Mama!!".nanlalaki ang mga mata ni Martina sa excitement.
"May pineprepare ang mama para sa anniversary namin ni Dada next month...Pero syempre dapat hindi malaman ni Dada kasi gusto ko siyang isorpresa...Okay ba anak??".
"Okay po Mama....".
"Kaya mamaya pagdating ni Mamita,aalis muna si Mama ha..pero wag mong sasabihin kay Dada....naiintindihan po ba?".
"Opo...".
"Wag kang mag alala..Ako na ang bahala sa anak mo....Magbihis ka na at ng makapagpapawis ka na..".nakangiting bungad ni Corazon sa kanila kaya naman walang inaksayang oras si Martha at agad na nagbihis at nagpaalam sa ina.
"Alis na ako Mommy....Ikaw na muna bahala kay Martina ha....".nagmamadaling paalam ni Martha sa ina.
******
"Anong nalaman mo....".tanung ni Martha sa kaibigan matapos ang ilang minutong katahimikan mula ng dumating siya.
"Inum ka muna ng tubig...".
"Natitense ako Genaro....Kaya kung pwede lang sana...Sabihin mo na kung anong nalaman mo....". Hiling pakiusap ni Martha sa kaibigan.
Maya maya pa ay daham dahan nitong inilapag ang brown envelope sa lamesa at dahan dahang iniabot sa kanya.
"Ano 'to..".kabadong tanung niya.
"Buksan mo.....Pero sana kung anuman ang makita mo diyan ay handa ka na...".
Matiim niyang tinitigan ang kaibigan bago marahang binuksan ang envelope at tumambad sa kanya ang mga larawan ni Anton habang hinahalikan ito ni Monique,habang nakaluhod ang dalaga at pati sa oagbuhat ni Anton dito at ipasok sa kotse ng dalaga.
Hindi namalayan ni Martha na hilam na pala sa luha ang kanyang mata habang pilit na inaaninag ang mga larawan na nasa harapan niya.
"So,totoo ang hinala ko...".nanginginig na wika ni Martha.
"The pictures says it all...I saw the-".
"Huhulaan ko....They did it inside her car,tama ba? Maybe isa yun sa rason kung bakit naging amoy pabango ng babae ang mga suot ni Anton pang opisina...".mapait na wika ni Martha habang patuloy na umiiyak.
"Martha...".
"Paano 'to nagawa sakin ni Anton...".humahagulhol na sambit ni Martha habang unti unting nilalakumos ang mga litrato ng dalawa.
"Please calm down...Para makapag isip tayo ng gagawing hakbang..We can sue them,as a legal wife malaki ang chance mo..".
"Para san Genaro??? Para pagtawanan ako ng mga tao?? Para malaman ng lahat na iniputan ako sa ulo ng asawa ko?! Para tuluyang mawasak ang pamilya ko?? Papano si Martina???".
"Sana inisip yan ng asawa mo bago siya nambabae..".
"Paano na kami...Sa isang iglap nawala ang lahat,dahil lang sa babaeng yun?! Dahil ba mataba ako? Dahil hindi ako ganun kaganda?! Lahat ginawa ko sa pamilya ko....I don't deserve this! Martina and I doesn't deserve this Genaro...".hesterikal na wika ni Martina habang lumuluha.
"Relax Martha okay??".hindi nadadaan sa init ng ulo ang lahat ng problema...".
"Papaano ako magrerelax kung nalaman kong niloloko ako ng asawa ko??? Na pwedeng mawasak ang pamilya ko?!".
"Anong balak mo??".
"Hindi ko alam...hindi ko alam....".naguguluhang sagot niya sa kaibigan.
Anong hakbang nga ba ang gagawin niyo ngayong alam na niyang may kinalolokohang iba ang asawa. Paano na sila lalo na si Martina???
BINABASA MO ANG
Martha's Revenge(COMPLETED)
HorrorHell hath no fury like a woman scorned lalo na kapag pinatay mo siya.