Trese

572 8 0
                                    

Sa ilang linggo na nagkasama sila ni Monique ay mas nakilala ito ni Anton. Aminado ang dalaga sa disorder nito ngunit ayaw niyang ikonsidera ang dalaga bilang isang mentally disabled dahil sa sitwasyon nito. Bukod kasi sa magaling din talaga itong arkitekto ay nakakausap naman ito ng maayos at ang sex addiction lang  ang problema nito.

Masama man pakinggan ngunit nakasanayan niya na,na magising na lang na kinakalikot siya ng dalaga at talaga namang nadarang sya,dahil ginagawa nito lahat para tumugon siya sa mga ginagawa nito. Ginagawa nito ang mga bagay na hindi ginagawa ni Martha at hindi siya ipokrito para sabihing hindi siya nasisiyahan dito.
Kapag ginagawa nila iyon ay panandalian niyang nakakalimutan ang kanyang mag ina na batid niyang isang malaking katraydoran sa kanyang asawa,ngunit makakaya niya pa kayang umahon sa pagkakabaon kung siya mismo ay nagpapaubaya sa kapusukan ni Monique?

"Paano ba yan...Is this goodbye??".malungkot na wika ni Monique sa kanya habang nakayakap ito sa kanya ng umagang yun. Katatapos lang nilang magtalik at kapwa pa sila walang saplot maliban sa kumot na nagtatakip sa kanilang kahubaran.

"Magkikita pa naman tayo sa office di ba?".may himig lungkot na sagot ni Anton.

"Alam ko...Pero maraming mata doon at alam kong di na rin ligtas doon..Saka baka iwasan mo na ako pag andun na tayo..".

"Bakit naman kita iiwasan??".

"Dahil balik na tayo sa reyalidad....Ikaw sa asawa at anak mo at ako...ayun mag isa pa din..".mahinang sambit ng dalaga.

"We can still be friends Monique...".

"Yeah...Ganun naman talaga..Hanggang friends lang di ba Anton...Alam mo ba kahit ganito ang kalagayan ko minsan nangangarap din ako na sana may isang tao na kayang manatili sa buhay ko kahit ganito ako..".

"Alam mong hindi ako pwede Monique...Pamilyado na akong tao at alam mong mahirap para sakin ang nais mong ipahiwatig.".

"Naiintindihan ko..".malungkot na wika nito bago ito tumalikod sa kanya na tila lungkot na lungkot.

"Hey..Bakit ka malungkot??".

"Mamaya lang ay magkakahiwalay na tayo...Pakiramdam mo may kulang na sa akin na kahit kailan hindi mapupunan ng kahit na sino maliban sayo..".

"Don't do this to me Monique..Alam mo ng hindi ako pwede since from the start".tila hirap na sagot niya sa dalaga.

"Sana kahit nasa Maynila na tayo ay pwede pa rin kitang malapitan...Ayoko na rin kasing maghanap ng iba..Kung pwede sana gusto ko ikaw lang..".ani ni Monique sa mahinang tinig ngunit dinig na dinig ni Anton ang bawat katagang binitawan ng dalaga. Maging siya ay nalulungkot din pero alam niya na hindi na siya maaaring magpatuloy pa.

"Minsan may mga bagay tayong gusto ngunit hindi pwede....Hindi kasi lahat ng gusto natin ay kaya nating makuha dahil magiging kumplikado lahat....Umaasa ako na walang ibang makakaalam sa mga nangyari sa atin dito sa isla Monique...At makakaasa ka ding walang makakaalam sa kalagayan mo..".himig oakiusap ni Anton sa dalaga na agad naman nitong sinang ayunan kaya napanatag siya.

Ilang oras pa silang nasa ganung posisyon bago sila nagbihis dahil darating na ang kanilang sundo na maghahatid sa kanila sa airport.

Tapos na ang palabas nila bilang adan at Eba sa isang isla,balik na sila sa reyalidad ng buhay kung saan si Anton ay pag aari na ng iba.

*******

"Dadaaaaaaa!!!!!!".malakas na sigaw ni Martina ng makita ang ama sa airport habang naglalakad ito papalapit sa kanila. Tangan ang travelling bag at ilang pasalubong galing masbate ay agad niyang binilisan ang paglakad para mayakap ang kanyang anak na noon ay sabik na sabik na mayakap siya.

"Hi baby ko.....Namiss ka ni Dada ahh,payakap nga ako..".masiglang bati ni Anton sa anak ng makalapit dito.

"Naku namiss ka din niyan at halos hindi na rin makapaghintay ng malaman niya na susunduin ka namin...Welcome back Dada..".nakangiting ani ni Martha sa asawa pagkalapit sa kanyang mag ama.

"Talaga Ma?? Naku ang lambing talaga ng anak kong ito...Kiss nga ulit si Dada..".lambing ni Anton sa anak na agad naman nitong pinagbigyan.

"Tara na at naghihintay na ang pagkain sa bahay...Nakapagluto na ako bago nagpunta dito para iinitin ko na lang pag uwi natin..".nakangiting ani ni Martha sa asawa bagamat napansin nito na hindi man lang siya niyakap ng asawa.

"Sige Ma....Let's go baby??".nakangiting aya ni Anton sa anak sabay karga dito kaya si Martha na lang ang nagbitbit ng luggage at pasalubong ng asawa. Nakahakbang na sila ng malayo layo ng biglang may tumawag kay Anton.

"Anton!!!!!".malakas na tinig ng isang babae habang nagmamadali sa paglapit sa kanila.
Paglingon ni Martha ay agad niyang napasino ang babae at alam niyang iyon ang nakasama ng kabiyak sa isla.

"Bakit Monique??".tila tensiyonadong tanung ni Anton.

"I forgot to say thank you kasi hindi mo ako pinabayaan habang nasa isla tayo...I owe you my life...Thank you..".nakangiting wika ni Monique sabay sulyap kay Martha mula ulo hanggang paa na agad namang napansin ni Anton kaya kinabig nito ang asawa at agad na ipinakilala sa dalaga.

"Its okay Monique....Ngapala this is Martha...She's my wife..".ani ni Anton habang marahang hinahaplos ang walang  imik na si Martha.

"Ohhhh..She's your wife??".mariin ngunit nakangiting tanung ni Monique sabay abot ng kamay nito kay Martha para makipagkamay.

"Nice to meet you..".nakangiting wika ni Martha kahit pa medyo naiilang siya sa mga titig ng dalaga.

"Finally we've meet....Nice to meey you Martha.....Anton told me how lucky he was to have you as his wife..".ani ng dalaga ng hindi namamalayan ang bahagyang paghigpit ng pagkakahawak sa kamay ni Martha kaya naman napangiwi ito.

"Maswerte din ako sa asawa ko..".ani ni Martha habang pilit na hinihila ang kamay sa dalaga.

"Ohhh sorry...sige alis na din ako..Gusto ko lang talagang magpasalamat..".ani ni Monique sabay tirig ng mariin kay Anton bago ito tumalikod at nagmamadaling naglakad papalayo.

"Bakit parang galit siya sakin..".ani ni Martha habang tinititigan ang namumulang palad.

"Hindi naman Ma..ganyan lang talaga yan si Monique....Tara na nga at nagugutom na ako..".ani ni Anton habang nagpatuloy na sa paglalakad kaya naman walang nagawa si Martha kundi sumunod sa asawa kahit nababalot siya ng pagtataka.

********

Samantala nagngingitngit naman ang kalooban ni Monique habang mag isa ito sa condo niya. Ilamg iras pa lang silang naghihiwalay ni Anton ngunit ramdam na niya ang labis na pangungulila dito at kahit anong gawin niya ay hindi ito mawaglit sa isipan niya.

"Missna miss na kita...".naluluhang wika ni Monique habang tinititigan ang litrato ni Anton na kinuha niya pa ng hindi nito alam.

"Paano na ako ngayon Anton...".patuloy na pag iyak ng dalaga ng biglang tumunog ang cellphone nito at nagmamadaling sinagot sa pag aakalang si Anton ang tumatawag.

"Hello,buti naman napatawag ka..miss na miss na kita eh .".sunod sunod na wika niya pagkasagot pa lang niya ng telepono.

"Wow..really??? It's my pleasure Monique..I am surprised to hear that from you..".ani ng tinig sa kabilang linya habang natatawa.

"Ikaw pala yan Benjie..".matabang na sagot ng dalaga.

"Yeah..nabalitaan ko kasi na nakabalik na kayo ng Manila...pwede ba kitang puntahan???".

"For what??".

"You told me that you missed me...so pupuntahan kita if it's okay??".

Saglit na nag isip ang dalaga sa paanyaya ng katrabaho at sa isiping hindi na sila magkakasama ni Anton at naisip niyang si Martha ang makakatabi nito sa pagtulog kaya naman nginatngat siya ng matinding paninibugho.

"Sure,magdala ka na lang ng isusuot mo para bukas...Dito ka na matulog..".walang gatol na sagot ni Monique sa kausap na noon ay nagtatatalon sa tuwa.

Sino ba naman ang hindi matutuwa kung alam mo na makakaiskor ka sa napakagandang si Monique? Isang babae na parang karenderya na palaging  bukas para sa parukyanong nais kumain ng luto niya.

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon