Dies

588 9 0
                                    

Mahapdi na ang tama ng sikat ng araw ang tumatama sa balat ni Anton at damang dama niya ang paghampas ng alon sa bandang paa niya. Dinig na dinig niya din ang mga huni ng mga ibon sa dalampasigan. Pinilit niyang idilat ang mga mata at ang mukha ng nakangiting si Moniwue ang agad niyang nakita.

"Good morning sleepy head...".matamis ang ngiting bati nito sa kanya kaya naman agad na  bumalik sa alaala niya ang nangyari kagabi kaya bigla siyang napabalikwas.

"Arayyy...".ani ni Anton habang sapo ang sumasakit  na ulo ngunit nanlaki ang mga mata niya ng makitang hubo't hubad siya.

"Oh my God!!."bulalas ni Anton ng mapagtanto na kanina pa siya nakahubad sa harapan ng dalaga kaya naman agad siyang nanghagilap ng ipantatakip sa sarili ngunit nasa kamay ni Monique ang tuwalya at nakangiti ng nakakaloko.

"Actually I've been staring at you for an hour now...Namemorized ko na nga lahat ng sulok at lahat ng detalye ng katawan mo..".nanunuksong wika ng dalaga.

Nasapo ni Anton ang ulo dahil sa matinding kahihiyan sa dalaga at sa isiping nakagawa siya ng mortal na kasalanan sa asawang si Martha.

"You don't need to act guilty Anton...We did it last night because we're drunk...It's okay....Magbihis ka na at mag iikot ikot pa tayo sa isla...May naisip akong magandang landscape sa gawi roon..".ani ni Monique sabay abot sa kanya ng tuwalya at parang walang anuman na naglakad papalayo sa kanya.

Agad na tumakbo si Anton pabalik sa cottage at agad na inayos ang sarili,ng matapos ay agad niyang hinagilap ang cellphone para tawagan ang asawa ngunit ng muli niyang naisip ang kasalanan niya kay Martha ay tila nawalan siya ng sapat na lakas para tawagan ang kabiyak. May mukha pa ba siyang maihaharap sa asawa. Maipagmamalaki pa ba niya ang sarili sa anak na si  Martina?? Dahil sa mga katanungang iyon ay tila gumuho ang mundo ni Anton. Dahil sa isang gabing kahinaan niya ay tila nawasak ang perpektong pamilya nila ni Martha. Dahil sa isang gabing pagkakamali ay habang buhay niyang papasanin sa konsensya niya ang nagawa niyang kasalanan. Hanggang sa unti unting nanlabo ang paningin niya dahil sa luhang nagbabadya sa mga mata niya na hindi na namalayan ni Anton na unti unting nag uunahan sa pagpatak.

"I am so sorry Ma....I am so sorry anak....".umiiyak na wika niya habang nakasubsob ang mukha sa mga palad niya at unti unting humahagulhol.

"Hey,why are you crying??".mahinang wika ni Monique habang hawak hawak nito ang balikat niya kaya naman lumayo siya sa dalaga na para bang napaso sa pagkakahawak nito.

"Kung ang iniisip mo ay ang nangyari kagabi...".

"What I have done Monique???".ani ni Anton habang lumuluha dahil sa pang uusig ng kanyang konsensiya.

"Wag mo ng isipin yun..Ito naman kung makaiyak para kang ginahasa...Wala naman nawala sayo diba??? Relax ka lang..Besides walang ibig sabihin sakin ang nangyari kagabi..I am liberated Anton..".

"Pero...".

"Hahahahaha, hindi kita aagawin sa pamilya mo at lalong walang makakaalam ng nangyari satin...Relax ka lang...kung anuman ang nangyari dito ay mananatiling lihim yun at iiwanan natin yun dito..".

"Paano kung mabuntis k-".

"Hahahaha...you are worrying too much...Relax Anton...Tawagan mo na ang asawa mo at mag iikot ikot muna ako..Sunod ka na lang pag okay ka na...".ani ng dalaga bago siya nito iwan mag isa.

******

Samantala kanina pa oalakad lakad si Martha sa salas dahil sa pag aalala sa asawa kaya naman paulit ulit niya itong tinatawagan ngunit hindi niya ito makontak. Baka wala itong makuhang signal kaya ganun nunit hindi pa rin tumigil sa kada dial si Martha.

"Umupo ka nga anak at ako ang nahihilo sayo...".saway ni Corazon sa anak habang umiinum ng kape.

"Kaninang madaling araw pa kasi ako nag aalala kay Anton Mommy...Hanggang ngayon di ko makontak..di ako mapanatag hangga't hindi ko nakakausap ang asawa ko..".

"Eh sabi mo kamo eh mahirap ang signal doon..Malamang gumagawa din ng paraan si Anton para matawagan ka..Kaya relax ka lang...Masyado mong binibigyan ng alalahanin ang sarili mo..".

"I can't help it Mom...Lalo na ngayong malayo ang asawa ko..Marinig ko lang boses ng asawa ko mapapanatag na ako..".ani ni Martha sa ina.

Halos mapatalon siya sa saya ng marinig ang pagtunog ng cellphone niya at makita niyang tumatawag si Anton kaya naman agad niya itong sinagot.

"Thank God you're safe Dada...Kaninang madaling araw pa ako nagwoworry sayo ng sobra...I'm glad na nakausap na kita..".maluha luhang wika ni Martha sa asawa oagkasagot na pagkasagot niya ng tawag.

"Okay lang ako M-mama...".kandautal na wika ni Anton sa asawa habang pilit na nilalabanan ang pag iyak.

"May nangyari ba sayo?? May sakit ka ba?? Gusto mo ba puntahan kita diyan..Nag aalala ako sayo Dada..".

"No need Mama..I-im alright...N-namiss ko lang siguro kayo ni Martina...Pakausap nga kay Martina Ma..".ani ni Anton sa asawa.

Tila may bikig sa lalamunan si Anton habang kinakausap ang malambing na boses ng anak at asawa. Unti unting nginangatngat ng konsensya ang puso niya sapagkat ang dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay niya ang tiyak niyang masasaktan kapag nalaman ng mga ito ang nagawa niya.

"I love you Dada....Wag ka ng masyadong nag iisip diyan ha...Okay lang kami dito,Wag mo kaming iniisip palagi ni Martina...nararamdaman ko kasi Dada kaya siguro di ako makatulog ng maayos..".pabirong wika ni Martina sa asawa.

"S-sige Ma.....Mahal na mahal kita mama..".emosyonal na ani ni Anton sa kabiyak bago nito pinutol ang pag uusap nila.

Iyak ng iyak si Anton matapos makausap ang kanyang mag ina,kahit mismong ang sarili niya ay hindi niya mapatawad sa ginawa niya. Ang isipin pa lang na kasusuklaman siya ni Martina at Martha ay para na siyang pinapatay.

"Dios ko...Ano itong nagawa ko...".tangis ni Anton habang tinititigan ang larawan ng kanyang mag ina sa cellphone nito.

Samantala nakatitig naman si Monique kay Anton at kitang kita niya ang pag iyak nito at sa halip na maawa ay lalo pa siyang humanga dito. Nakakatiyak siya na si Anton na nga ang lalaking hinihintay niya noon pa man. Ang lalaking kabaliktaran ng kanyang walang hiyang ama.

"Wag ka ng umiyak Anton....Nagsisimula pa lang tayo at tinitiyak ko sayong mag eenjoy ka rin kalaunan...".nakangiting anas niya sa sarili bago pumasok sa kubo para maghanda ng makakain nila.

Balak niyang ipaghanda ng pagkain si Anton lalo na at sila lamang dalawa sa isla. Yung tipong para silang sina Adan at Eva na na trap sa isang isla at bilang babae ay ibibigay niya ang lahat ng pangangailangan ni Anton. Sasamantalahin niya ang mga araw na kasama niya ito at gagawin niya ang lahat para magkaroon siya ng puwang sa puso ni Anton kahit  pa sabihing ga tuldok lang ang pag asa niya.

Martha's Revenge(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon