Tahimik lang na nakahiga si Martha habang nakatingin sa natutulog na asawa. Pagkatapos nilang kumain ay agad itong nagpaalam na matutulog na dahil pagod daw ito maghapon. Pagkatapos niyang asikasuhin si Martina ay nadatnan niya na lang itong tulog na tulog na. Alam niya at nararamdaman niyang iniiwasan siya nito,gayunpaman hindi niya na lang ginising ang asawa at hinayaan na lang itong magpahinga.
Unti unting pumatak ang mga luha niya habang inaalala kung papaano sila nagsimulang mag ibigan ni Anton at alam niya na sobra siyang nangungulila sa lambing ng asawa ngunit wala siyang magawa dahil sa patuloy na panlalamig nito sa kanya. Alam niyang may nangyayaring kakaiba sa asawa kaya humingi na siya ng tulong kay Genaro.
Alam niyang hindi magbabago ng ganun kadali ang asawa,alam niyang may mali at yun ang aalamin nila ng kaibigan.
Mag uumaga na ng mamataan ni Genaro si Benjie na umalis sa condo ni Monique ngunit hinayaan niya lang ito dahil ang totoong pakay niya ay ang dalaga. Alam niyang papasok ito sa trabaho kaya inabangan niya ang pag alis ng dalaga at di naman nagtagal ay nakita niya na rin ang kotse nito kaya maingat niya itong sinundan kahit saan ito magpunta. Malakas ang kutob niya na may malalaman siya tungkol dito kaya hindi niya ito titigilan."Alis na ako Ma..mag ingat kayo ni Martina dito ha..".ani ni Anton ng matapos itong magkape. Simpleng ngiti lang ang isinagot ni Martha sa asawa kaya naman nilapitan ito ni Anton at niyakap ng mahigpit.
"Alis na ako...".muling ani ng asawa sabay halik sa noo niya at nagmamadaling nagpunta sa garahe.
"Lagi kang may nakakalimutang sabihin Anton....Di mo na ba ako mahal...".naluluhang wika ni Martha habang tinatanaw ang asawa na papaalis.
Nang hindi niya na ito matanaw ay agad niyang kinuha ang mga labahin at katulad ng dati ay inamoy niya ito,andun pa rin ang dating amoy na hindi pamilyar sa kanya. Amoy na hindi pagmamay ari ng kanyang asawa. Amoy na nagdudulot sa kanya ng matinding sakit at pangamba.*****
Busy si Anton sa pagmamaneho ng biglang nag ring ang cellphone niya at agad niya itong sinagot ng hindi tinitingnan kung sino ang caller dahil nasa kalsada ang tingin niya.
"Hello".
"Anton....Pwede ba kitang makausap..".
"Monique?!".
"Please naman Anton....Pagbigyan mo naman ako na makausap ngayon...pagdating sa opisina di mo na ako kakausapin...Please naman ohh...Maawa ka naman sakin...".pasigok sigok na wika ni Monique na tila kagagaling lang nito sa pag iyak.
"Okay,okay....San ka ba pupuntahan kita..basta wag ka na lang umiyak..".
"Talaga????! Salamat,salamat....dito lang ako sa malapit sa condo ko... Pag may nakita kang bakanteng lote.. makikita mo agad kotse ko...di pa ako halos nakakaalis....Parang wala akong gana na pumasok kasi alam kong pagdating dun di mo ako kakausapin...".patuloy na drama ng dalaga.
"Okay,I'll be there in a minute..."ani ni Anton bago mabilisang kinambiyo ang manibela para tahakin ang daan patungo sa kinaroroonan ni Monique.
Maya maya pa ay ipinarada na ni Anton ang kotse malapit sa kinaroroonan ng kotse ni Monique at agad na bumaba para puntahan ang dalaga. Hindi pa man siya nakakalapit ay agad na bumaba si Monique at patakbong yumakap kay Anton at mabilis itong hinalikan sa labi.
"Monique..stop it...sabi mo mag uusap lang tayo...".ani ni Anton habang kumakalas sa dalaga.
"Miss na miss na kasi kita eh...sa bawat oras na di kita kasama naiisip ko nung nasa isla pa tayo....Masaya naman tayo dun di ba....Bakit ngayon halos ayaw mo na akomg lapitin....Nasasaktan ako Anton..".lumuluhang wika ni Monique dito.
"I thought malinaw na sa atin ang lahat Monique..Hindi pwede yang ginagawa mo...Hindi pwede yang gusto mo...May asawa ak-".
"Atensyon mo lang ang hinihingi ko Anton..namimiss na kita...Parang awa mo naman....Wag mo namang gawin sakin to....".
"Alis na ako.... kita na lang tayo sa office..".wika ni Anton sabay talikod sa dalaga ngunit hindi pa man siya nakakahakbang ay biglang lumuhod si Monique at niyakap ang binti ni Anton.
"Maawa ka naman sakin Anton...Kahit awa na lang..Please....".humahagulhol na wika ni Monique habang mahigpit na nakakapit sa binti ni Anton.
"Please Monique..Don't do this...Wag mong ibaba masyado ang sarili mo....".
"Wala na akong pakialam Anton....Nagsusumamo ako sa kanya..Wag mo naman akong talikuran...Kailangan kita...kung iiwan mo ako magpapakamatay ako..".malakas na wika ni Monique habang umiiyak.
"Monique....Wag mong sabihin yan..".
"Seryoso ako Anton...Pag iniwan mo ako ngayon..Magpapakamatay ako..".
"Monique noong nasa isla tayo maayos tayong nag usap...Ang sabi mo you will mever asked anything..Ngayon anong ginagawa mo???".
"Hinahanap hanap kita Anton.....Kahit awa na lang ang ibigay mo sakin..Kahit hindi na lang pagmamahal...Sapat na sakin yun..Wag mo lang akong tatalikuran...Parang awa mo na....".
Dahil sa labis na awa sa dalaga ay walang nagawa si Anton kundi amuhin ito para tumahon. Malapit na kasi silang malate kaya kailangan na niyang patahanin at pakalmahin ang dalaga.
"Tahan na....Oo na...Di na kita iiwan....Wag ka ng umiyak....".
"Totoo?? ".tila batang tanung ni Monique habang nagpupunas ng luha.
"Oo..Totoo..kaya tumahan ka na..".
"Thank you.....".nakangiting wika ni Monique sabay yakap ng mahigpit kay Anton.
"Anong oras na ba??".biglang tanung ni Monique.
"We only have 30 minutes left at malilate na tayo..".sagot naman niya.
"So pwede pa..".nanunuksong wika ni Monique sabay nguso ng sasakyan nito.
"Anong pwede pa???".takang tanung ni Anton.
"I missed you Anton..".ani ng dalaga sabay halik kay Anton ng mariin habang hinihimas ang dibdib nito.
"Monique...".singhap ni Anton ng pakawalan ng dalaga ang labi niya.
"Let's do it Anton....".hinihingal na wika ng dalaga habang itinuturo nito ang sasakyan nito kaya naman agad na kinarga ni Anton ang dalaga na mabilisan itong ipinasok sa sasakyan nito.
Palibhasa ay nakadress lang ang dalaga kaya naman hindi na siya nahirapan pang hubaran ito dahil ilililis na lang suot nito ay okay na.
Walang kamalay malay ang dalawa na lahat ng ginawa nila ay nasaksihan ng dalawang mata na kanina pa nagmamasid sa kanila habang nakakuyom ang kamao.
"Tarantado ka Anton!!! Sa lahat ng lolokohin mo si Martha pa!!".nangangalit ang mga bagang na wika ni Genaro habang inilalapag nito ang hawak na camera. Camera na ginamit niya para kunan ng litrato ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Martha's Revenge(COMPLETED)
HorrorHell hath no fury like a woman scorned lalo na kapag pinatay mo siya.