Naghahanda na si Anton para sa kanilang lunch meeting ng makatanggap ng text mula kay Monique na kotse na lang daw nito ang gamitin nila para isahan na lang bagay na pinayagan na rin niya para makaiwas pa sa abala lalo kapag may natrapik na isa man sa kanila.
"Shall we?".nakangiting bungad ni Monique sa kanya pagkalabas na pagkalabas niya ng opisina niya.
"Let's go..".simpleng sagot niya rito at dire diretsong naglakad ng mabilis. Nakita niya pa kasi si Benjie na nakatitig sa kanila at ayaw niyang may makita o mapansin ito sa kanila ng dalaga,mahirap ng matsismis sa kanilang opisina at ayaw niya din masira ang reputasyon niya na matagal niyang iningatan.
Tahimik namang sumunod si Monique sa kanya na waring naiintindihan nito ang pag iwas niya dito. Tahimik silang sumakay sa kotse nito habang siya naman ang pinag drive ng dalaga.
"Let's go...".malambing na ani ng dalaga sabay hampas sa hita niya at hinaplos ito ng marahan. Pasimple niya naman itong inalis at tahimik na pinasibad ang sasakyan nito patungo sa isang exclusive restaurant na pagmemeetingan nila ng kanilang kliyente.
"So how's your wife?".biglang tanung ni Monique ng matrapik sila ng kunti.
"She's fine...".maikling sagot niya rito.
"Did you kissed her or did you make lo-".
"That's too personal Monique...".sansala niya sa mga sasabihin pa sana ng dalaga.
"Well,I'm just wondering kung may ginawa kayo last night..".pagpupumilit na tanung nang dalaga.
"Please Monique...Enough with your questions..".may pagkairitang sagot ni Anton dito. Hangga't maaari ayaw niyang malaman ng dalaga ang biglaang panlalamig niya sa asawa dahil ayaw niyang akalain nito na malaki ang impact nito sa kanya.
"Okay...".tila inis ding sagot ni Monique habang nakatingin sa labas ng bintana at hindi na siya nito kinausap kaya naman nakahinga siya ng maluwag.
Ayaw niya na parang nagseselos ito na parang ewan dahil nagtatanung pa ito tungkol kay Martha na hindi naman sana dapat. Nahing tahimik sila pareho habang nasa byahe hanggang sa makarating sila sa lugar na pag memeetingan nila.*****
"Good afternoon Mrs.Edenburg...".magalang na wika ni Anton sa matanda ng makita nila ito na naghihintay na sa meeting place nila.
"Good Afternoon din..Please have a seat..".nakangiting sagot ng matanda sa kanya.
Agad naman silang tumalima ni Monique at isa isa nilang ipinakita rito ang blueprints na ginawa nila ni Monique pati na ang plano nilang gawin para sa mga landscape at tuwang tuwa naman ang matanda dahil doon at agad naman itong sumang ayon sa kanilang dalawa at agad din daw pasisimulan ang paggawa at pag papaayos. Labis ang pasasalamat ng mga ito sa kanila dahil napakaganda daw ng plano nila para sa isla kaya naman labis ang tuwa nilang dalawa ni Monique at sagli na nakalimutang ang tensyon sa pagitan nila.
Pagkatapos ng meeting ay agad silang bumalik sa opisina para sa iba pa nilang trabaho at nananatiling walang imik ang dalaga na para bang nagtatampo at gustong suyuin. Pero dahil nasa opisina sila ay hindi niya iyon gagawin dahil ayaw niyang may makapansin sa kanila ni Monique.
*****
Uwian na ng makatanggap siya ng mensahe sa dalaga at agad niya itong binasa.
"I'm sorry...".maikling text sa kanya ng dalaga.
"Okay...Next time please wag mo ng gagawin yan..She's my wife,respeto lang sana..". Reply niya dito.
"And what about me/us??".
"I hope we made it clear since from the start...There was never an us Monique...".walang gatol na text niya dito para tumigil na ang dalaga.
Lihim na siyang kinakabahan sa mga kilos nito na parang nagiging demanding na sa atensyon niya.
"Pare....busy ka ba tonight??".tanung sa kanya ni Benjie ng magkasabay sila papunta sa parking lot.
"Pauwi na ako sa bahay bakit?".
"Wala naman akala ko may lakad ka eh..".ani ni Benjie sabay tingin kay Monique na tahimik din palang nakasunod sa kanila.
"Uwi ako ng maaga...Matagal tagal kong di nakasama sina Martina...babawi ako sa mag ina ko..".sagot niya sa binata sabay sakay sa kotse niya at agad itong pinaandar. Nahagip pa ng mga mata niya ang paglapit ni Monique kay Benjie at ang pag uusap ng mga ito pero binalewala niya na lang.
*****
"Dito na si Dada!!".excited na sigaw ni Martina ng makita nito ang ama na papasok sa salas.
"Hi baby ko....May pasalubong ako sayo...".magiliw na wika ni Anton sa kanyang unica hija.
"Ano po??".namimilog ang matang sagot ng bata.
"Syempre ang paborito mo...".nakangiting sagot niya sa anak sabay abot ng donut kay Martina.
Nasulyapan niya rin ang asawa na busy sa pagprepara ng mesa kaya tahimik niya itong nilapitan at agad itong niyakap patalikod.
"Ambango naman ng niluto mo Mama ..".malambing niyang wika sabay amoy sa balikat ng kabiyak.
"Syempre paborito mo yan diba...".mahinang sagot ni Martha sa asawa. Hindi pa rin kasi mawaglit sa isip niya ang napansin niya sa asawa.
"Salamat ng madami Mama....".lambing ni Anton sa asawa sabay yakap ng mahigpit rito at ibinigay ang isang tangkay ng pulang rosas na binili niya para sa asawa.
"I love you Ma...Sorry kahapon at kaninang umaga...Bati na tayo.. ".lambing ni Anton sa asawa na siyang nakapagpaluha sa kanya.
"Para sakin ba yan...".malungkot na tanung ni Martha.
"Ikaw lang naman inaalayan ko ng bulaklak Ma...".
"Salamat Dada...".naiiyak na wika ni Martha sa asawa kaya lalo itong niyakap ng mahigoit ni Anton. Di niya kayang nakikitang umiiyak ang asawa at alam niyang kasalanan niya lahat ng iyon.
"Tara kain na tayo Ma...Namiss ko ang luto mo eh....Wag ka ng umiyak...".ani ni Anton habang pinupunasan ang luha ng asawa.
Agad namang tumalima si Martha at pilit na ngumiti habang pinagsisilbihan ang kanyang mag ama. Hindi pa rin kasi mawaglit sa isipan niya ang duda niyang iyon kaya naman hindi siya lubusang masaya sa paglalambing ng kabiyak.
*****
Samantala magkasama naman si Benjie at Monique sa condo ng dalaga dahil inaya ito ng huli na doon na matulog. At dahil wala ang nobya ng binata ay agad din itomg sumama kay Monique na parang sunod sunuran na lang sa dalaga.
"Akala ko ayaw mo na sakin eh...".kunwaring nagtatampo na ani ni Benjie sa dalaga pagpasok na pagpasok nila sa condo ng dalaga.
"Pwede ba naman yun?? Pero syempre di nila pwede malaman kaya umiiwas ako sayo pag nasa opisina tayo....gusto mo bang mapahamak tayong dalawa??".
"Ayaw....".
"Then,wag kang lapit ng lapit sakin sa opisina..Ako ang magsasabi sayo kung kailan kita kailangan okay?".nakangiting wika ng dalaga sa binata habang unti unti itong hinuhubaran.
'Wala si Anton....Kaya si Benjie muna ang pagtitiyagaan niya...Pag nakuha na niya ng tuluyan si Anton ay saka niya ididispatsa si Benjie'.ani sa isip ni Monique habang unti unting tinutulak ang binata papasok sa kwarto niya.
Samantala matiyaga namang naghihintay si Genaro sa pag uwi ni Benjie dahil nagsisimula na itong mag imbestiga sa dalaga.
"Akala ko si Anton ang karelasyon nito...Bakit ibang lalaki ang kasama??".ani ni Genaro habang nagpapalatak sa loob ng kanyang sasakyan. Gayunpaman ay hindi niya ito titigilan hanggang hindi niya ito napipiga. Malalaman din niya kung bakit nagkaroon ng kutob ang kaibigan na nagloloko ang asawa nito.
BINABASA MO ANG
Martha's Revenge(COMPLETED)
HorrorHell hath no fury like a woman scorned lalo na kapag pinatay mo siya.