Ashton
Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. P-paanong buhay siya? Naghahallucinate lang ba ako? Totoo ba ito? Parang tumigil ang pagtibok ng aking puso sa aking natuklasan. Nick, si Nick ba talaga itong nasa harapan ko? Si Nick ba talaga ito na kakambal ko? Paanong buhay siya? Sino iyong pinaglamayan namin ng ilang linggo? Boung akala ko ay patay na ang aking kakambal. Boung akala ko ay tuluyan na akong iniwan ng aking kakambal.
"Ash?" Untag sa akin ni Zie. Tumingin ako sa kanya at kita ko ang pagtataka sa kanyang mga mata.
Muling bumalik sa aking isipan ang araw ng ibalita ng aking mga magulang na patay na ang aking kakambal, ng sabihin nila sa akin na hindi nakaligtas ang aking kakambal sa aksidenting kinasangkutan nila, dalawang taon na ang nakakalipas. All these years, they were telling me lies. Hindi ko mapigilan ang mapaluha dahil sa halo-halong emosyon na lumulukob sa aking dibdib. Muli kong tiningnan ang pigura ng aking kakambal, malungkot ang mga mata nito, walang emosyon itong nakatingin sa mga panauhin ng event na ito. Hindi pwedi, hindi pweding ibenta ang kakambal ko. Hindi siya laruan at walang katumbas na anumang halaga ang buhay ng aking kakambal. Hinawakan ko ang kamay ni Zie, tiningnan ko siya sa kanyang mga mata, nagmamakaawa, sa ngayon ay wala akong magagawa, nakasalalay sa kasama ko ang magiging bukas ni Nick.
"K-kunin mo s-siya, please?" Kandaugaga kong pagmamakaawa kay Zie. Hindi na maitago ng maskara ang mga luhang patuloy na umaagos sa aking mata.
"Okay, the last bid is five million, going once...going twice..."
"10 Million." Napapikit ako ng putulin ng bidder ang pagsasalita ng auctioneer. Mas lalo lamang akong nawalan ng pag-asa ng mapagtantong hindi si Zie ang nag bid. Kung kanina ay parang huminto ang takbo ng puso ko, ngayon naman ay parang nagkakarerahan na sa pagtakbo ang aking puso.
"Please Zie, k-kunin mo siya at gagawin ko ang lahat ng gusto mo." Patuloy na pagmamakaawa ko kay Zie. Hindi ko alam kung may pakialam ba sa akin si Zie pero sana naman maawa siya sa akin. Sana naman ay tulungan niya ako.
"I'm sorry Ash, but I can't invest that amount of money." Mahinang saad ni Zie pero parang bombang sumabog iyon sa aking tenga.
"Please." Pagmamakaawa ko pero parang walang narinig si Zie, ang tanging ginawa lang nito ay ang yakapin ako. Pero hindi ko kailangan ang yakap niya ngayon, kailangan kong mailigtas ang kapatid ko.
"Ten Million. Going once... Going twice... Going thr---" Muli na namang naputol sa pagsasalita ang auctioneer.
"20 Million."
Mas lalo pa akong napahagulhul sa aking narinig. Wala ng pag-asa. Wala na, wala man lang akong nagawa para sa kakambal ko.
"20 Million. Going once... Going twice... Going thrice... And..." Tumahimik ang boung paligid.
Naghihintay kong may magbibid pa sa mas mataas na halaga.
"SOLD." Sigaw ng Auctioneer, kasabay nito ay ang biglang pagdilim ng paligid.
Sa muling pagbukas ng ilaw ay wala na ang aking kakambal. Hindi ko alam kung nasaan na ito.
Napahagulhol na ako sa iyak, mabuti na lamang at malakas ang tugtug sa bulwagan at maingay ang mga tao kaya walang nakakapansin sa aking pag-iyak. Hindi ko na kaya, ang sakit. Ang sakit na wala akong nagawa.
...
Zie
Nakatulugan na ni Ash ang pag-iyak. Hindi ko alam kung tama pa ba ang desisyon kong dalhin siya sa event na iyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang lalaking item. Hindi ko alam na may kakambal si Ash, magkamukhang-magkamukha sila, ang kaibahan lang nila ay medyo patpatin ang katawan ng kanyang kakambal.
Naaawa ako sa sitwasyon ni Ash, napakabata pa niya para sa mga ganitong sitwasyon. I swear na gusto ko itong tulungan kanina, halos mabasag ang puso ko ng magmakaawa ito sa akin na tulungan siya pero wala akong magawa. Hindi ko kayang maglabas ng ganoon kalaking pera, my company will at stake kapag basta na lang ako maglabas ng pera. Mabuti na lamang at tinubos ako ni Rex.
Binuhat ko si Ash mula sa pagkakayakap nito sa akin at lumabas na sa bulwagan. Sa labas ay nakaabang na si Stuart, binuksan nito ang pintuan. Inihiga ko sa binti ko ang ulo ni Ash pagkasakay sa sasakyan, mukhang napagod ito sa pag-iyak dahil hindi man lang ito natinag ng umandar na ang sasakyan. Boung biyahe ay nakatitig lang ako sa itsura ni Ash ng biglang magvibrate ang aking ceelphone, kinuha ko ito mula sa bulsa ng aking tuxedo at tiningnan ang caller ID, tumatawag si Rex. Iniswipe ko ang answer button.
"Hey bro." Bungad ko kay Rex.
"Kumusta si Ash?" Tanong nito, muli kong tinitigan ang mukha ni Ash.
"He's not okay, nakatulog siya dahil sa pagod sa kakaiyak, but I think he'll be happy if ever malaman niyang nasa iyo ang kakambal niya. Okay lang naman siguro kung magkita sila diba?" Saad ko sa kabilang linya.
"Of course bro. Natutulog nga rin dito si Nick." Saad ni Rex at dinig ko ang pagbuntong hininga nito.
"Thanks for saving Nick, bro. Alam mo namang hindi ko kayang maglabas ng malaking pera ngayon diba?" Saad ko rito.
"I understand bro, huwag kang mag-alala at tutulungan kita sa problemang kinakaharap mo ngayon sa iyong kompanya." Saad ni Rex. Napangiti naman ako sa kanyang sinabi.
"Thanks bro. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag wala ka." Napakacheesy man pakinggan pero iyon talaga ang aking nararamdaman. Ang pinsan ko ang naging takbuhan ko, ganoon din ito sa akin. Para kaming nakatagpo ng kapatid sa isa't isa. Nakakatawang pakinggan na mas itinuring ko pa siyang kapatid kaysa sa kanyang ama. Siguro dahil na rin sa magkasing edad kami ni Rex kaya mas komportable kami sa isa't isa.
"Everything will be alright bro." Alo ni Rex sa akin. Marami pa kaming pinag-usapan. Naitanong ko rin kay Rex kung ano ang gagawin niya kay Nick, gagawin niya ba itong masochist sub niya? Tanging tawa lang ang naging tugon ni Rex. Hindi ko na ito kinulit pa. Matapos ang mahabang pag-uusap namin ni Rex ay muli kong ibinaling ang aking atensyon kay Ash. He's so innocent yet broken inside.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 1) ✓
RomanceAshton was kicked out of his home for being gay. With nowhere else to go, he turned to social media, offering his body in exchange for shelter. That's where he met Zie Mendez, the CEO of Mendez Publishing Inc. Zie was intrigued by Ashton, and offere...