Ashton
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, hindi ko agad ito naimulat dahil sa mahapdi ito, masakit din ang aking ulo. Kinusot ko ang aking mga mata hanggang sa tuluyan ko na itong maimulat, napagtanto kong nasa loob ako ng kwarto ni Zie, sa tantiya ko ay madaling araw na, paglinga ko sa aking tabi ay ang natutulog na pigura ni Zie ang tumambad sa akin, mahimbing pa rin itong natutulog.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga, ipinagsalikop ko ang aking kamay at ipinatong ito sa aking mukha. Muli na namang nagdagsaan sa aking utak ang mga alaala kagabi, kung paano ko nasaksihan ang mundong noon ay nababasa ko lang sa mga erotikong libro, kung paano ko muling nasilayan ang mukha ng aking kapatid na nakapaloob sa isang kulungan na parang isa itong uri ng hayop na ibenebenta, kung paanong wala akong nagawa para matulungan ang aking kapatid. Hindi ko mapigilan ang mahinang pagdaloy ng luha mula sa aking mga mata.
Bumaba ako mula sa kama at isa isang hinubad ang aking suot na damit. Nagtungo ako sa banyo at inion ang shower, kahit sobrang lamig ng tubig na umaagos mula sa shower head ay balewala lang ito sa akin, hinayaan ko lamang ang aking sarili na mabasa. Nagulat na lamang ako ng biglang tumigil sa pag-agos ang tubig at may tuwalyang pumulupot sa aking katawan. Pagtingin ko sa gilid ay nakita ko si Zie, walang emosyon ang itsura nito.
"Halika na at baka magkasakit ka pa." Saad nito at hinila ako palabas ng banyo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nagpakalunod ako sa malamig na tubig. Parang wala ako sa tamang pag-iisip, nakatayo lang ako habang si Zie ay kumukuha ng damit, nakatitig lang ako sa kanya habang pinapatuyo niya ang katawan ko at pagkatapos ay binihisan, sinuotan ako nito ng boxer brief at isang shirt nito, umabot hanggang sa aking tuhod ang kanyang shirt.
"What do you think you're doing Ash?" Mariing saad ni Zie. Pero parang bingi lang ako sa kanyang tabi at hindi tumugon dito.
"Sa tingin mo ba magiging masaya ang kakambal mong makitang ganito ka?" Muling saad nito. Dahil sa pagbanggit nito sa aking kakambal ay muli na namang namuo ang luha sa aking mata.
"You didn't help me, I will never see my twin again." Saad ko at napahagulhol ng iyak. Dinig ko ang pagbuntong hininga ni Zie bago ako nito hapitin at ikulong sa kanyang matipunong bisig.
"In the contrary, may maitutulong pa rin ako sa'yo baby, did you know who bid 20 million just to have your twin?" Bulong sa akin ni Zie.
"Y-you knew the bidder? P-pwedi mo ba siyang kausapin? Please, gusto kong makausap ang kakambal ko." Hindi ko na mabilang kung ilang ulit na akong nagmakaawa kay Zie pero hindi ako magsasawang magmakaawa sa kanya hanggang sa makausap ko ang aking kakambal.
"Its Rex." Saad ni Zie.
"Ang pinsan mo?" Gulat kong tanong rito, hindi ko mapigilang mapangiti ng marahang tumango ito sa akin. Kung kagabi ay para na akong mamamatay sa kawalan ng pag-asa, ngayon naman ay napuno na ako ng pag-asa na makakausap ko ang aking kakambal.
"Let's go back to bed, baby." Sambit ni Zie, sumunod lang ako rito. Humiga kami sa kama, iniunan ko ang aking ulo sa balikat ni Zie at mahigpit itong niyakap.
"Thank you and I'm sorry." Mahinang sambit ko kay Zie.
"Look at me, baby." Utos sa kanya ni Zie na agad naman niyang sinunod. Nagtagpo ang kanilang mga mata.
"I'll be honest to you okay? Gusto kong isalba ang kakambal mo. God knows kung ilang please mo na lang at itataas ko na ang board ko. Even if saving your twin means losing my company." Sinserong saad ni Zie.
"I-I'm sorry. Ikaw lang kasi ang nakikita kong makakatulong sa akin." Saad ko kay Zie. Hindi ko
maiwasang hindi maguilty."It's okay, baby. Basta para sa'yo." Makahulugang saad ni Zie at hinalikan ako sa aking mga labi. Ipinikit ko ang aking mga mata at tumugon sa halik ni Zie. Napakalambot ng kanyang labi. Dumapo ang mga kamay ni Zie sa aking katawan at hinayaan ko lang ito, unti-unti na akong nasusunog sa apoy na ginagawa nito. Hanggang sa tumigil ang halikan namin, kapwa kami naghahabol ng aming mga hininga.
"Matulog na tayo, baby." Saad ni Zie at ipiniki ang mga mata, nakaunan pa rin ako sa balikat nito habang nakapulupot ng mahigpit sa aking katawan ang mga kamay ni Zie.
...
Kinaumagahan, alas otso ng umaga na ako nagising, kinapa ko ang aking gilid pero tanging unan na lang ang aking nakapa, pagtingin ko ay wala na si Zie sa aking tabi. Bumangon ako mula sa kama at lumabas ng kwarto.
"Zie!" Tawag ko sa pangalan nito pero tanging katahimikan lang ang narinig kong tugon.
Nagtungo ako sa may kitchen at may nakahanda ng pagkain sa mesa, paglapit ko ay may nakita akong sticky note na nakadikit sa may gilid ng plato.
'Good morning baby,
Hindi na kita ginising pa dahil sa ang sarap ng tulog mo. Pinaghanda na kita ng agahan, tsaka initin mo na lang iyong ulam na inilagay ko sa ref para mamayang lunch. Habang binabasa mo 'to sigurado akong nasa opisina na ako. Aliwin mo muna ang sarili mo riyan habang wala ako. I'll be back at six, be ready dahil we will be having a dinner sa bahay ng pinsan ko.
xox, Zie'
Nakangiti ako habang binabasa ang iniwang note ni Zie, lalo na sa huli nitong mensahe na pupunta kami mamaya sa bahay ng pinsan niyang si Rex. Finally, excited na akong muling makita si Nick, napakaraming tanong ang gumugulo sa isip ko na gusto kong itanong sa kanya. Inilapag ko ang note ni Rex sa may gilid at tiningnan ang mga pagkaing inihanda ni Zie para sa akin. Napakaswerte ko kay Zie, hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin na kung hindi dahil sa kanya baka kung saan na ako pinulot ngayon at higit sa lahat ay hindi ko na sana malalaman na buhay pa ang aking kakambal.
Matapos kumain at mahugasan ang pinagkainan ko ay naisipan kong magtungo sa sinasabi ni Zie na library niya, hindi naman ako nahirapang hanapin iyon, pagpasok ko pa lang sa kwarto ay hindi ko mapigilang magalak dahil sa napakaraming libro ang nakahilera sa mga shelf. Hindi ko alam kung ano ang unang babasahin ko.
Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa makuha ng isang shelf ang atensyon ko, sa ibabaw nito ay may nakapaskil na BDSM/SADOMASOCHISM, lahat ng librong nakahilera rito ay sumasaklaw sa ganoong tema, hinayaan ko ang aking mata na maglakbay sa mga nakahilerang nga libro hanggang sa mahagip ng mata ko ang librong may pamagat na Dollar Sign by Giza Clay, nakakaintriga ang pamagat ng kwento, kinuha ko ang libro mula sa shelf at binasa ang boud ng nobela na nakasulat sa likurang bahagi ng libro. Kahit ang boud ng nobela ay nakakaintriga, parang hinahalina ka talaga nitong basahin ang boung kwento. Ipinakli ko ang libro sa pinakahulihang pahina, alam ko kasing doon makikita ang picture at kaunting biography ng writer, pagkakita ko sa picture nitong Giza Clay ay hindi ko maiwasang maitanong sa aking sarili kung ano ang nangyari sa mukha nito, sa tingin ko ay kaedaran ko lang itong si Giza Clay, ang mukha nito ay may peklat na nakahulmang ekis, sa tingin pa lang ay parang hindi aksidenti ang nangyari sa peklat na iyon, parang sinadya. Hmm, I sense a lot of mystery here, hindi lang sa nobela kundi pati na rin sa writer. Lumabas ako ng library dala ang libro ni Giza Clay at nagtungo sa kwarto ni Zie para simulan na ang pagbabasa sa nobela.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 1) ✓
RomanceAshton was kicked out of his home for being gay. With nowhere else to go, he turned to social media, offering his body in exchange for shelter. That's where he met Zie Mendez, the CEO of Mendez Publishing Inc. Zie was intrigued by Ashton, and offere...