Kabanata 31

3.5K 147 1
                                    

Ashton

Kinakabahang iminulat ko ang aking mga mata nang biglang gumewang-gewang ang sasakyan, muntik na akong mangudngod, buti na lang at may mga braso na pumigil sa akin.

"Hey sorry, medyo malubak ang daan papasok na kasi tayo sa forest." Imporma ni Zie sa akin, kumuha ako ng suporta mula sa kanya at umayos nang upo, kinusot-kusot ko ang aking mata pagkatapos ay tumingin ako sa labas, puro mga kahoy na lamang ang aking nakikita sa paligid, sobrang tahimik kaya napakasarap at napakapayapa sa pakiramdam, but not until I saw Joe on the front seat.

"What the hell?" Laking pagtataka ko nang paglingon ko sa harapan ay ang nakataling pigura ni Joe ang aking nabungaran. Kumunot ang aking noo at dahan-dahang lumapit sa pwesto ni Joe, tinanggal ko ang bagay na nakatali sa kanyang leeg.

"He deserved that." Kalmadong tugon ni Nile na hindi inaalis ang tingin sa daan. Tinaasan ko lamang ito ng kilay kahit alam kong hindi naman niya iyon makikita.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko kay Joe, sobrang higpit nang pagkakatali ng sinturon na hanggang ngayon ay hinahabol pa rin nito ang hininga.

Tumingin sa gawi ko si Joe at kumindat ito sa akin pagkatapos ay nag okay sign na nagpagulo sa aking isipan, napakunot noo ako.

"Ang weird niyo." Komento ko, may pasa sa mukha ni Joe, mukhang putok din ang mga labi nito pero kung makangisi at umakto ito ay parang wala lang sa kanya ang mga pasa.

Gusto ko mang mag-usisa ay hindi ko na kinulit pa sila at pinili na lamang na manahimik.

Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan, "nandito na tayo," imporma ni Nile at agad lumabas sa sasakyan. Kinuha namin ni Zie ang mga bag namin at lumabas na rin sa sasakyan.

Isang tipikal na kagubatan ang bumungad sa amin, naglalakihan ang mga puno, mukhang nakakatakot dito kapag gabi na.

"It's already 2 na, kumain muna tayo bago i-set ang tent," saad ni Zie.

Naglatag kami ng malaking tela sa gilid ng sasakyan at inilapag doon ang aming mga bag, bumalik ako sa sasakyan para kunin ang mga pagkain na inihanda nila Nile at Joe ngunit napatigil ako nang pagbukas ko sa sasakyan ay naroon pa rin sa Joe, tila humihikbi ito ngunit nang mapansin ang aking presensya ay agad itong nagpahid nang luha.

"Are you okay?" Puna ko rito, lumingon ito sa akin at isang pekeng ngiti ang itinugon. Hindi na ko nag-usisa pa at kinuha ang isang basket na naglalaman ng pagkain.

"Let me help you." Saad ni Joe at bumaba sa sasakyan, ibinagay ko sa kanya ang dalawang basket habang ako naman ay kinuha ang mga inumin.

Inilatag namin ang mga pagkain sa tela at naupo, magkatabi kami ni Zie habang magkatabi naman sina Nile at Joe.

Tahimik lang kami ni Joe habang si Nile at Zie ay nag-uusap, hindi ko mapigilang hindi maasiwa sa tuwing napapatingin ako sa mukha ni Joe, parang nasasaktan ito pero pilit niyang itinatago sa amin.

"Gusto kong pumunta sa talon, Nile." Putol ni Joe sa pag-uusap nila Zie at Nile, tanging tango lang ang itinugon nito at muling ibinalik ang atensyon sa pinag-uusapan nila.

Tumindig si Joe at naglakad patungo sa sinasabi nitong talon.

"Teka? Alam niya ba ang daan papunta sa talon?" Takang tanong ko at may pag-aalangang sinisipat nang tingin ang pigura ni Joe, baka kasi bigla itong mawala.

"Don't worry, hindi ito ang unang beses na pumunta kami rito," tugon ni Nile.

"Pwede ba akong sumama sa kanya, Zie?" Tanong ko rito.

"Of course, baby." Tugon nito at ginulo ang aking buhok, agad akong tumayo at patakbong sumunod kay Joe, medyo malayo na kasi ang nalalakad nito.

Nang marinig ko ang mahinang ragasa nang tubig mula sa talon ay binagalan ko ang aking paglalakad, tila sobrang lalim ng iniisip ni Joe na hanggang ngayon ay hindi nito alam na nakasunod ako sa kanya.

Umupo sa may malaking bato si Joe nang marating namin ang talon, mataman lang akong nakatingin sa kanya nag-aabang sa susunod niyang gagawin.

Halos manlumo ako sa aking nakita, nagsimulang umiyak si Joe, ang mga kamay nito ay nakapatong sa dibdib na para bang sobrang sakit ng puso nito.

Napatanga ako, hindi alam ang gagawin kung manonood lang ba ako sa kanya o lalapitan siya at damayan.

Nang hindi na ako makatiis pa ay marahan akong lumapit sa pwesto nito, agad itong nagpahid nang luha pagkakita sa akin.

"You're not okay." Puna ko at tumabi sa kanya.

"Your point?" Tugon nito pero ang tingin ay nakapokus sa rumaragasang tubig mula sa talon.

"My point is, bakit mo hinahayaang saktan ka niya? If you're not okay with it, bakit hindi ka lumaban? Bakit hindi mo sabihin sa kanya? You let him beat you, tapos iiyak-iyak ka." Mahabang saad ko na ikinaasim ng mukha nito.

"It's not your problem so fvck off." Galit nitong tugon at tinulak ako dahilan upang masubsob ang aking likod sa malaking bato.

"What the fvck! Sinusubukan ko lang namang kausapin ka, hindi ko lang maintindihan why you act so tough sa harapan ni Nile kahit na nasasaktan ka sa ginagawa nito." Halos pasigaw kong saad dahil sa inis ko sa kanya.

Hindi ito tumugon.

"Pasensya ka na kung masyado akong pakialamero, but I suggest manalamin ka, tingnan mo ang mukha mo at tanongin mo ang sarili mo kung deserve mo ba talaga ang mga pasang 'yan." Kalmado kong sambit, hindi pa rin ito tumugon, muling bumagsak ang mga luha sa kanyang mata at hindi ko maiwasang hindi maawa sa kanya.

"He's a sadist." Basag nito sa katahimikan at pinahid ang ilang butil ng luha sa kanyang pisngi.

"And I love him, I don't want to lose him, maiintindihan mo lang ako kung nagmahal ka na. Kaya kung tiisin ang mga ginagawa niya if it means not losing him."

Natameme ako sa sinabi niya, bigla akong napaisip, nagmahal na ba ako? Anong Neron sa pagitan namin ni Zie? Matatawag na bang pagmamahal ang meron kami? Mahal ko na ba siya?

Ang daming tanong ang sumagi sa aking isipan pero isa lang ang nahagilap kong sagot, kagaya ni Joe ayoko ring mawala sa akin si Zie.

Fvck! Mahal ko na ba si Zie?

Daddy (Book 1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon