Ashton
Ang ilaw ng lente ay naka-pokus sa akin. Hindi ko maiwasang magtaka ng pagtingin ko sa aking harapan ay maraming mga tao, nakadamit pangmayaman. Hindi ko makilala ang mga tao sa aking harapan dahil may mga suot silang maskara.
"Nasaan ako?" Tanong ko pero wala akong makuhang sagot, nagsimulang tumawa ang mga tao sa aking harapan hanggang sa biglang may magtaas ng kamay at may isinigaw pero hindi ko iyon marinig, hindi ko maaninag ang mga tao sa aking harapan.
"What the fuck is happening here? Nasaan ako?" Sigaw ko at nagsisimula nang kabahan at mataranta. Imbes na sumagot ay muli lang nagsitawanan ang mga tao sa aking harapan. Palakas nang palakas, nang hindi ko na makayanan ay itinakip ko sa aking tenga ang aking mga kamay. Naririnig ko pa rin ang kanilang mga tawa, sobrang lakas.
"What the fuck? Stop laughing." Sigaw ko na halos maiiyak na. Hindi ko alam kung nasaan ako, bakit ako biglang napunta rito? Sinong nagdala sa akin?
Muli kong tiningnan ang bawat tao sa aking harapan nang maalala ko si Zie. Nasaan si Zie?
Ilang sandali pa ay biglang may isang lalaking lumakad patungo sa harap, dahan-dahan nitong tinanggal ang suot ma maskara at nakahinga ako ng maayos nang makita ang gwapong mukha ni Zie.
"Zie?" Kuha ko sa kanyang atensyon, mapanuyang ngumiti sa akin si Zie at bigla akong tinalikuran. Muli itong nagsimulang maglakad, pero hindi patungo sa akin kundi palayo sa akin. Nagtatakang tinawag ko ang kanyang pangalan, gusto kong sumunod kay Zie pero parang nakaapak ako ng pandikit dahil kahit anong pagpupumilit kong gawin ay hindi ko pa rin nagagalaw ang aking paa.
"Zie!" Malakas ang boses na tawag ko sa kanya. Nagsisimula nang tumulo ang luha sa aking mga mata.
"Zie!" Muling tawag ko sa kanya hanggang sa hindi ko na makita pa ang pigura nito.
"Zie."
"Zie!"
Pawis na pawis na agad akong napabalikwas ng bangon habang habol-habol ang aking hininga.
"Hey! What's wrong baby? Bakit mo tinatawag ang pangalan ko?" Tanong ni Zie na mukhang nagising dahil sa pagtawag ko sa kanyang pangalan. Kita ang pag-aalala sa mga mata nito.
Sa sobrang hapo ng katawan ko ay wala akong nagawa kundi ang yumakap kay Zie at umiyak sa mga labi nito.
"Don't leave me, Zie. Please, don't leave me." Sumamo ko sa kanya, ang kamay nito ay humahaplos sa aking likod.
"I'm not gonna leave you, baby. Are you having nightmares again about the incident on the beach?" Nag-aalalang tanong nito kaya agad akong umiling-iling.
"N-No." Tugon ko at mas humigpit pa ang yakap ko sa kanya. Hindi ko maiwasang maalala ang napanaginipin ko na naglalakad palayo sa akin si Zie. Ayokong bumitiw sa pagkakayakap kay Zie dahil baka sa oras na bumitiw ako ay bigla siyang mawala sa tabi ko.
"Why are you calling my name then? Napanaginipan mo ba ako?" Tanong nito at napalunok ako ng laway. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang panaginip ko, alam ko namang hindi ako iiwan ni Zie, alam kong hindi niya ako pababayaan.
"Just don't leave me, Zie." Ang tanging naitugon ko.
"Okay baby, I'm not leaving you, never." Tugon nito na nagpangiti sa akin, medyo kumalma na ang katawan ko pagkarinig sa kanyang sagot.
Halos sampung minuto rin siguro kaming magkayakap lang ni Zie at walang nagsasalita, pinapakiramdaman lang namin ang isa't-isa, tanging ang tibok ng aming mga puso lamang ang maririnig sa paligid.
"It's already five in the morning, baby. How about we grab some doughnuts and coffee on the nearby Dunkin Donuts shop?" Tanong nito at agad akong tumango-tango bilang pagsang-ayon.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 1) ✓
RomanceAshton was kicked out of his home for being gay. With nowhere else to go, he turned to social media, offering his body in exchange for shelter. That's where he met Zie Mendez, the CEO of Mendez Publishing Inc. Zie was intrigued by Ashton, and offere...