Ashton
Pagkagising ko kinaumagahan ay wala akong nadatnan na katabi, akala ko ay maaga lang na nagising si Zie pero nalibot ko na ang buong apartment ngunit ni anino nito ay hindi ko makita. Kung ganoon ay hindi pala ito umuwi kagabi, nagpaalam ito na pupunta ng club kasama si Rex, akala ko ay uuwi ito dahil wala naman itong nabanggit kung saan ito matutulog.
Ginugol ko na lamang ang aking oras sa paglilinis sa apartment ni Zie, pawis na pawis ang aking katawan matapos kong maglinis dahil sa in-off ko ang aircon kagabi sa sobrang ginaw, nagtungo ako sa banyo at hinubad ang aking suot, mabilis kong nilinis ang aking katawan.
Pagkalabas ko sa banyo ay laking gulat ko nang makita si Zie na nakahiga sa kama, tanging boxer lang ang suot nito, napalunok ako nang makita ang malaking umbok sa loob ng boxer.
"Zie?" Kuha ko sa kanyang atensyon, bumangon ito at pagkakita sa akin ay bahagyang ngumiti.
"Pasensya ka na kung hindi kita naabisuhan na hindi ako rito matutulog, si Rex kasi lasing na lasing kagabi hindi ko maiwan sa club." Paliwanag nito.
"It's okay." Tugon ko at kumuha ng damit sa drawer at isa-isang isinuot iyon. Lumapit sa akin si Zie at mula sa likod ay niyakap ako nito at dinampian ng halik ang aking leeg na nagbigay kiliti sa akin.
"Wala ka bang gagawin ngayon? Pupunta ka ba sa opisina?" Tanong ko rito, tinanggal nito ang kamay sa aking bewang at muling naupo sa kama.
"Nope, I was thinking of going to the beach, what do you think?" Tugon nito at walang abiso na hinigit nito ang aking katawan paupo sa kanya, pumatong ang aking pwet sa kandungan ni Zie, uminit ang aking pisngi nang maramdaman ang malaking alaga ni Zie na kumikislot.
"Zie." Mahinang angal ko, sinubukan kong tumayo pero mariin nitong pinigilan ang aking bewang.
"What?" Inosenti nitong tanong habang pilyong nakangisi sa akin.
"Y-Your m-manhood." Ang nahihiya kong saad na dahilan ng tuluyang pagtawa nito at mas lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa akin kaya mas lalo kong naramdaman ang kanyang pagkalalaki.
"Why? Inaano ka ba nito?" Tukso nito at umindayog kaya kumiskis ang alaga nito sa aking pang-upo.
"Stop it Zie, akala ko pupunta tayo sa beach?" Lihis ko sa usapan at buong pwersa na tumayo, napahiga ito sa kama dahil sa lakas nang pagkakatulak ko pero tiyak kong hindi naman ito nasaktan dahil sa malambot naman ang kama.
"Yeah, maghanda ka nang damit, pati na rin sa akin, magstop nalang tayo sa convenience store para mamili ng pagkain." Tugon nito at naglakad patungo sa banyo.
Agad kong hinanda ang mga kailangan namin, hindi ko alam kung saang beach ako dadalhin ni Zie pero ang mahalaga naman sa akin ay makasama ko ito.
Wala na kaming sinayang pa na oras. Inilagay ko ang mga gamit na dadalhin namin sa likod ng sasakyan, nang maihanda na ang lahat ay binaybay namin ni Zie ang daan patungo sa kung saan ang naiisip nitong lugar.
Huminto lang kami ng may maraanang convenience store para mamili ng pagkain, mostly ay junk foods ang mga binili namin dahil may mabibiling pagkain din naman daw sa pupintahan namin. Matapos makapamili ay muling pinaandar ni Zie ang sasakyan.
Habang nasa daan ay dinig sa loob ng sasakyan ang malakas na tunog ng musika na nagmumula sa stereo, sinsabayan ni Zie ang kanta habang ako ay busy sa pagnguya sa pagkain at natatawang nakatutok kay Zie.
Halos isang oras ang lumipas ng sa wakas ay pumarada ang sasakyan ni Zie. Inilibot ko ang aking paningin sa labas at hindi ko maiwasang mapangiti habang mataman na nakatitig sa tahimik at preskong tanawin sa aking harapan.
"Wow, this place is beautiful." Komento ko na ang tingin ay nasa labas pa rin, parang nasa isang pribadong resort kami, wala masyadong tao sa paligid, may nakikita ako pero dalawa o tatlong tao lamang.
"I'm relieved na nagustuhan mo itong lugar." Tugon ni Zie at kahit na hindi ako tumingin dito ay alam kong nakangiti ito.
Excited akong lumabas sa sasakyan, kinuha ko ang bag at snack sa likod at isinukbit ito sa aking likod. Kinuha ni Zie ang snack sa akin at ipinatong ang libreng kamay sa aking balikat. Sabay naming pinagmasdan ang kalmadong paligid. Maririnig hanggang sa pwesto namin ang malakas na hampas ng alon sa dagat.
"Let's go to our room." Untag nito sa akin at nagsimula nang maglakad, agad akong sumunod dito.
Pagkapasok sa loob ng kwarto kung saan kami mag-s-stay ay muli na naman akong namangha, hindi kalakihan ang kwarto pero napakaluwag nitong tingnan, moderno ang istilo sa loob ng kwarto, ang kama ay nakapwesto malapit sa salaming dingding kung saan malayang natatanaw ang kagandahan ng labas, lalo na ang dagat. Parang sa mga pelikula ko lang ito nakikita.
Initsa ko ang bitbit na bag sa gilid ng kama at masayang tumalon sa malambot na kama, lumundag ang aking katawan dahil sa lakas ng pagbagsak ko. Pinaikot ko ang aking katawan hanggang sa nakataob na ako sa kama, ang aking mukha ay nakaharap sa may dagat. Gustong-gusto ko talaga ang dagat kahit na hindi ako masyado marunong lumangoy, nakakakalma kasi ang hangin na dumadampi sa aking katawan sa tuwing nasa baybayin ako.
Nasa ganoong pagmumuni ako nang makaramdam nang pwersa sa aking ibabaw, pumatong pala si Zie sa aking ibabaw, mabigat ito pero hindi naman masakit dahil malambot ang kama.
"What are you thinking?" Untag nito sa akin at umalis sa pagkakapatong sa akin, nasa tabi ko ito at matamang nakatingin sa akin.
"Wala naman, just reminiscing the past, ng mga time na buong family kaming nagpupunta sa beach, I miss those moment." Dreamy kung saad at napangiti habang inaalala ang mga tagpong iyon.
Nagkatitigan kami ni Zie, dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa akin, ipinikit ko ang aking mga mata, hanggang sa maramdaman ko ang malambot na labi ni Zie. Ilang segundong naglapat lamang ang aming mga labi, hanggang sa nagsimula nang gumalaw ang labi ni Zie.
Iba ang halik na iginawad ni Zie sa mga tagpong ito, napakasenswal ng halik nito, ramdam ko bawat hagod ng labi niya.
Ilang minuto ang lumipas bago maghiwalay ang aming labi, kapwa naghahabol ng hinihinga.
"I have a dare." Saad ni Zie, muli nitong ipinakita ang pilyong ngiti. Tinaasan ko naman ito ng kilay.
"Ano? Guessing from your smile, it seems like you're thinking of some perverted thoughts." Tugon ko rito at kinatok ang ulo nito.
"Well, parang ganoon na nga." Natatawang saad nito.
"Okay, well now tell me." Hamon ko rito.
"Okay so mamayang gabi, you will find a guy na i-se-seduce ko at kukumbinsihin ko na makipag do sa akin, ganoon rin ako sa'yo, I will find a guy na i-se-seduce mo. If ever may mag failed sa atin, isang wish ang dapat nating tuparin." Nakangiting lahad nito sa gusto nitong mangyari, hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng excitement.
"Fair enough, game ako." Tanggap ko sa hamon nito.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 1) ✓
RomanceAshton was kicked out of his home for being gay. With nowhere else to go, he turned to social media, offering his body in exchange for shelter. That's where he met Zie Mendez, the CEO of Mendez Publishing Inc. Zie was intrigued by Ashton, and offere...