Ashton
"Bakit ganon? Bakit parang galit siya sa akin? Bakit parang ayaw niya akong makita? Bakit?" Ang hagulhol ko sa bisig ni Zie, nasa loob kami ng kanyang sasakyan at hindi pa ako handang umalis. Naguguluhan ako, galit ba si Nick sa akin dahil akala nito hindi ko siya hinanap? Na kinalimutan ko na siya?
"Bumalik tayo please, gusto kong kausapin si Nick." Pagmamakaawa ko kay Zie pero tiningnan niya lang
ako na may awa sa mukha."Sa susunod na lang tayo babalik." Tugon ni Zie at hinalikan ako sa noo, humiwalay ito sa akin at isinuot ang aking seatbelt.
"Zie, please." Patuloy kong pagmamakaawa. Hindi ako mapapalagay hanggang sa hindi pa nabibigyang kasagutan ang lahat ng tanong na naglalakbay sa isip ko ngayon.
"No baby, uuwi na tayo." Mariing saad ni Zie at binuhay na ang makina ng sasakyan.
Malungkot na tinatanaw ko na lamang ang mansion habang palayo kami ng palayo sa lugar na iyon. Kailan ko kaya muling makikita ang kakambal ko?
Pagkarating namin sa apartment ni Zie ay diretso na kami sa kama, nakadantay ang aking ulo sa kanyang bisig habang ang isang kamay naman nito ay nakapulupot sa aking katawan. Napakaromantic sana ng posisyon namin ngayon kung wala lang akong inaalala.
"Matulog ka na Ash." Saad ni Zie, ipinikit ko ang aking mata at pinilit na makatulog. Kahit sa pagtulog
man lang ay panandalian kong makalimutan ang nangyari ngayong gabi....
Pagkagising ko kinaumagahan ay wala na sa aking tabi si Zie. Bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay nakita ko si Zie na abala sa pagpeprepara ng pagkain sa mesa.
"Good morning." Bati ko rito. Agad itong napatingin sa aking pwesto at ngumiti.
"Good morning baby." Ganting bati rin nito sa akin. "Halika na, nakahanda na ang pagkain." Hinila nito ang isang upuan at pinaupo ako roon.
"Ano nga palang gagawin mo ngayon?" Tanong ko kay Zie habang naglalagay ng ulam sa aking pinggan at nagsimula ng kumain.
"I have a meeting with the editors para sa bagong libro na ilu-launch namin." Sagot nito at nagpangiti
naman sa akin. Ibig sabihin, nakakabangon na ang kompanya nito at sana lang ay maging successful ang launching ng libro, ang swerte naman ng writer na iyon. Ano kaya ang pakiramdam na pinagkakaguluhan ang librong gawa mo? Hayyy, nag dedaydream na naman ako."You should come, may surpresa ako sa'yo." Nakangiting sambit ni Zie, parang excited na itong sabihin
sa akin ang kung ano mang surpresa ang gusto nitong sabihin sa akin. Tanging tango na lamang ang naitugon ko rito at bumalik na kami sa aming pagkain.Matapos kumain at makapaghanda ay nagtungo na kami sa opisina ni Zie. May isang lalaking mga nasa mid thirties ang nakaupo sa isang swivel chair, may suot itong eyeglass habang mariing nagbabasa sa hawak nitong folder. Tumigil lang ito sa pagbabasa nang makita niya kaming papalapit.
"Good morning, Zie." Bati nito at bahagyang ngumiti nang dumapo ang mga tingin nito sa akin.
"You must be Ashton." Saad nito matapos akong tingnan mula ulo hanggang paa, napalunok naman ako ng laway dahil sa kaba. Pero kahit papaano ay nakuha ko pa namang tumango sa kanya.
"Okay, let's get into this, so this is Mr. Brendon, he's the editor-in-chief and he has something to tell you." Saad ni Zie at umupo sa upuan, mayroong isa pang bakanting upuan na naroon sa tabi ni Zie at doon ako naupo.
"Well, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, siguro na brief ka na naman ni Zie about sa state ng kompanya and we are trying to cope up, so as a result the publishing company is trying to venture to an indie pub kung saan the pub will solely publish books with boys love genre." Explain ni Mr. Brendon sa akin, napatango naman ako bilang tugon.
"Nasabi sa akin ni Zie that you've submitted manuscript here before, the team review your manuscript and come to a decision that your manuscript is not that bad as a debut book for the indie pub. I actually like how provocative the characters are." Patuloy na explain nito habang ako ay hindi mapigilan ang pagngiti, hindi pa tuluyang rumehistro sa utak ko ang sinabi ni Mr. Brendon. Did I hear it right?
Shock as hell. Napatingin ako kay Zie, he was beaming at me.
"Well, welcome to the company Ash." Saad nito habang ipinatong ang kanang kamay sa aking hita at pinisil ito sending a tingling sensation on my body.
"This is surreal. Are you sure you want to publish my story?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. I don't know, I'm surprised, shocked and at the same time happy.
I was so broken nang sabihin nila sa akin na my manuscript got rejected, ilang araw din akong wala sa sarili noon, asking if ganoon ba kapangit ang gawa ko at hindi man lang nila makonsidira ang story ko. Now it all make sense, I think everything happens for a reason talaga.
"This is real Ash, you're getting publish," kompirma sa kanya ni Mr. Brendon.
Marami pang binanggit si Mr. Brendon pero tanging tango lang ang itinugon ko kahit iyong iba naman ay hindi ko na maintindihan, para akong nakalutang sa alapaap.
"Ash."
"Ashton."
Bigla akong napakurap nang biglang may tumapik sa akin. Pagtingin ko ay ako at si Zie nalang ang nasa loob ng opisina.
Did I space out?
"Nasaan si Mr. Brendon?" Takang tanong niya.
Zie smirk at me, "umalis na siya ten minutes ago," tugon nito.
"Aw. Sorry if I space out and thank you Zie." Sincere kong saad sa kanya.
Zie beam at me with his eyes full of lust or passion. I really don't know.
"How grateful are you, Ash?" Tanong nito, sa tono nang tanong nito para bang pinapahayag nito na he doesn't want me to say how grateful I am but rather show him how grateful I am.
"I... I can do anything you want, D-daddy." Mahinang saad ko habang hinahabol ang aking hininga. I'm nervous but at the same time gusto kong pakitaan si Zie kung hanggang saan ang kaya kong gawin.
I want to repay his kindness and I think today is the right time.
"Show me what you've got then." Hamon sa akin ni Zie.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 1) ✓
RomanceAshton was kicked out of his home for being gay. With nowhere else to go, he turned to social media, offering his body in exchange for shelter. That's where he met Zie Mendez, the CEO of Mendez Publishing Inc. Zie was intrigued by Ashton, and offere...