Kabanata 24

4.4K 179 8
                                    

Ashton

Hanggang ngayon ay matigas pa rin ang aking alaga, hindi kita mula sa aking pwesto ang ginagawa ni Zie at ng disc jockey pero alam ko kung ano ang ginagawa nila at iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nakasaludo pa rin ang aking junior.

Nakangisi sa akin si Zie nang mamataan ko itong naglalakad patungo sa aking direksyon, tinaasan ko lang ito ng isang kilay at umaktong hindi apektado sa ginawa nito.

"The disc jockey was kind of okay, dalawang beses akong nakapagpalabas." Bungad sa akin ni Zie at umupo sa aking tabi.

"Mukhang enjoy na enjoy ka nga e." Tugon ko at binigyan ito ng baso na may lamang alak. Kinuha nito ang baso at ininom ang alak.

"It's my turn now, pili ka na kung sino ang i-se-seduce ko." Saad ko at tumingin sa paligid, sinusubukan kong hulaan kung sino ang pipiliin ni Zie, alam kung hindi ito pipili ng lalaking madali lang makuha.

"Okay wait." Tugon nito. Base sa pag-e-eksamin nito sa paligid, parang gusto niya akong pahirapang makuha ang taong pipiliin niya. But I have my ways, I'm maybe young but I know how to play my cards well.

"Nakikita mo 'yang grupo na iyan sa table malapit sa puno?" Tanong ni Zie, sinundan ko ang tingin nito. Mayroong lima katao na nakapalibot sa table, tatlong lalaki at dalawang babae.

"Yeah! So sino riyan ang gusto mong i-seduce ko?" Buong tapang kong tanong.

"All of them." Nanlaki ang aking mata sa sinabi nito.

"What? Ang unfair naman ata, sa iyo isa lang naman ang pinili ko tapos sa akin lima? And for god sake, dalawa sa kanila ay babae," reklamo ko.

"So? Wala naman tayong rules na dapat isa lang ang maka do diba? Tsk, what a chicken." Saad nito at napailing na parang sobrang disappointed ito sa inasal ko.

"I'm not a chicken, gagawin ko ang gusto mo pero hindi kasali iyong dalawang babae, they're gross." Saad ko at umaktong nasusuka, ni hindi ko ma-imagine ang sarili ko na kasama ang isang babae sa iisang kama, how much more kung dalawa pa.

"Okay, suit yourself," tugon nito.

Napalunok ako ng laway. Tatlo, tatlong lalaki ang kailangan kong paikutin sa mga kamay ko para mapasunod sa laro namin ni Zie.

Tumayo ako at nagsimulang maglakad patungo sa grupong tinuro ni Zie, dahan dahan habang ang aking mata ay matamang nakatutok sa mga kalaki. I just need one of them para maiusad ang larong ito.

Habang papalapit nang papalapit ako sa kanila ay isang lalaki ang napatingin sa akin, bahagya akong ngumiti sa lalaking iyon at kinindatan ito hanggang sa malagpasan ko ang table nila, sana kumagat sa patibong ko iyong lalaki.

Hindi pa ako masyadong nakakalayo nang marinig ko ang sinabi ng lalaki, "um, may pupuntahan lang ako guys," saad nito. Hindi ako lumingon, diretso lang ang lakad ko patungo sa baybayin ng dagat, pero ramdam kong may nakasunod na sa akin.

Umupo ako sa buhangin, ilang segundo ang lumipas ng may tumabi sa aking lalaki.

"Hi." Bati nito sa akin pagkaupo. Sinuklian ko ito ng napakatamis na ngiti.

"Hi, Ashton nga pala," tugon ko.

"Drew. May kasama ka?" Tanong nito.

"Wala. Ako lang mag-isa pumunta rito, gusto kong makapag-relax." Saad ko at muling ngumiti kay Drew.

"Hmm, may alam akong pwede mong gawin para makapagrelax." Pilyong saad nito.

"Ano?" Tanong ko at umaktong napaka-inosenti sa harap nito.

Daddy (Book 1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon