Ashton
Kinabukasan pagkagising ko ay hindi ko na nadatnan pa si Zie sa aking tabi, wala na ito sa kwarto at nang libutin ko ang buong apartment ay tanging isang note na nakadikit sa may refrigerator lang ang aking nakita, agad akong lumapit sa refrigerator at kinuha ang sulat na nakadikit doon.
'Hey baby, if you're reading this then that means wala na ako sa apartment, I have an important matters to attend to at sobrang payapa nang pagtulog mo kaya hindi na ako nag-abala pang gisingin ka para makapag-paalam. Anyway, naghanda na ako ng pagkain diyan, initin mo na lang if ever gusto mong kumain.
Lastly, muntik nang mawala sa isip ko na ngayong gabi pala ang anniversary ng 'The Backdoor Club', if you still remember ito iyong club na pinuntahan natin kung saan nakita natin ang kakambal mong si Nick. I was contemplating kung pupunta o hindi dahil sobrang dami ko pang dapat aasikasuhin sa opisina but I think this is a good diversion dahil sobrang nakakastress na sa opisina. Be my plus one on the party? Someone will fetch you any minute from now so please get ready.'
Love, Zie
Hindi ko mapigilang mapangiti habang binabasa ang sulat and as if on cue, biglang tumunog ang doorbell ng apartment. Mabilis kong ibinulsa ang sulat ni Zie at naglakad patungo sa sala. Pagkabukas ko sa pintuan ay isang babae na sobrang sexy ang bumungad sa akin. Napakunot ang aking noo habang tinitingnan ang kabuuang itsura ng babae."Ano pong kailangan niyo?" Magalang kong tanong, napalunok ako ng laway nang umasim ang mukha nito, hindi ata nito nagustuhan ang paggamit ko ng po.
"Nasaan si Zie?" Mataray nitong tanong.
"W-Wala siya rito, nasa opisina na siya." Naguguluhan kong tugon.
"What? Sabi ko sa kanya ay pupunta ako rito. Tangina talaga ng lalaking iyon, matapos akong buntisin ay pagtataguan ako?" Sambit ng babae na parang bombang sumabog sa aking harapan. Nanlaki ang aking mata habang nakatingin sa babae, medyo halata na nga ang umbok sa tiyan nito. Hindi maproseso sa utak ko ang sinabi ng babae, nakabuntis si Zie.
"Shit! Sobrang nakakadala ba ang acting ko?" Biglang sambit ng babae at napabuhakhak ng tawa. Mas lalong kumunot ang noo ko, baliw ata 'tong babae na 'to.
"Anong acting?" Naiinis kong sambit, napatigil naman sa pagtawa ang babae at biglang sumeryoso ang mukha.
"Gosh! Hindi mo na ako naaalala, Ashton?" Tanong nito na may diin ang pagkakasabi sa aking pangalan. Nagtatakang tinitigan ko ang mukha nito, pinipilit kong alalahanin kung sino itong babaeng nasa harap ko ngayon. Nanlaki ang aking mata nang unti-unting rumehistro sa aking utak kung sino itong babaeng nasa harapan ko.
"E-Elena?" Hindi siguradong tanong ko, hindi ko na ito makilala dahil sobrang nag-iba na ang anyo nito. Mayroon na itong bangs at hanggang balikat na lang ang buhok nito na bumagay naman sa kanya.
"Yes! Ang super gandang si Elena, sino pa ba? Ikaw ha kinakalimutan mo na itong maganda kong fezlak." Tugon nito at biglang pumasok sa loob ng apartment kahit hindi ko naman ito inimbitang pumasok. Napailing-iling na lang akong isinara ang pintuan at sumunod kay Elena.
"Bakit ka nandito?" Takang tanong ko.
Tinaasan ako nito ng kilay, "duh, ano pa nga ba inutusan na naman ako ng magaling mong jowa na i-makeover ka, jusko ang hirap mo kayang i-makeover, ang dami mong pimples at tsaka uneven pa iyong skin tone mo," eksaheradang sambit nito.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 1) ✓
RomanceAshton was kicked out of his home for being gay. With nowhere else to go, he turned to social media, offering his body in exchange for shelter. That's where he met Zie Mendez, the CEO of Mendez Publishing Inc. Zie was intrigued by Ashton, and offere...