Epilogo

4.1K 102 7
                                    

Ashton

It was exactly seven in the evening, nasa loob kami ng sasakyan ni Zie at binabaybay na ang daan patungo sa club na pupuntahan namin. Hindi ko alam pero sa tuwing nasa loob kami ng sasakyan ay hindi kami nag-uusap.

Ilang sandali ang lumipas ay biglang binuksan ni Zie ang stereo na nakakabit sa kanyang cellphone, nanlaki ang aking mata na napatingin kay Zie nang magsimula ang kanta. Isang napakapamilyar na kanta sa akin.

'I want you to know,
I'm a mirroball
I'll show you every version of yourself tonight'

"This is a Taylor Swift song, from her latest album called folklore." Matter of fact kung sambit, nakangiting tumango-tango sa akin si Zie habang ang tingin ay nakatutok pa rin sa daan.

"Simula nang iparinig mo sa akin ang kanta niyang 'Lover' nagsimula na akong makinig sa mga kanta niya, it wasn't so bad. Then I discovered that she just released an album and I bought it, listen to it, and I love it. Mirrorball is my favorite." Tugon nito at hindi ko mapigilang malawak na mapangiti sa sinabi niya.

"Mine is August and Seven." Nakangiting sambit ko at ipinikit ang aking mga mata para muling makinig.

'Hush
When no one is around, my dear
You'll find me on my tallest tiptoes
Spinning in my highest heels, love
Shining just for you.'

Sobrang nakakakalma talaga ang mga kanta ni Taylor. Alam ko namang hindi love song itong kantang ito pero para sa akin ay napaka-romantic ng eksena namin ngayon sa loob ng kotse. Tumingin ako sa gawi ni Zie at agad inilahad ang aking kamay sa kanya, tinaasan ako nito ng kilay pero nakuha naman nito ang gusto kong mangyari. Pinagsalikop nito ang aming mga kamay, tanging isang kamay na lang nito ang nakahawak sa steering wheel.

'Hush
I know they said the end is near
But I'm still on my tallest tiptoes
Spinning in my highest heels, love
Shining just for you.'

Nang matapos ang kanta ay siya namang paghinto ng sasakyan. Ngunit laking pagtataka ko nang mapagtantong wala naman akong nakikitang club sa labas, kadiliman lang ang tanging makikita sa labas.

"Do you mind if I blindfold you?" Mahinang tanong ni Zie pero sapat na para marinig ko.

"What? Why would you blindfold me?" Nagtatakang tanong ko.

"Don't worry baby, just trust me okay?" Sambit ni Zie sa nangungusap na mga mata. Wala sa sariling napatango ako. Ngumiti sa akin si Zie at agad na inilagay ang blindfold sa aking mga mata. Wala na akong maaninag pa, narinig ko na lamang ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng sasakyan.

Ilang sandali pa ay muli akong nakarinig nang pagbukas ng pintuan, "follow my lead, baby," bulong ni Zie at kinuha ang aking mga kamay.

Dahan dahan akong bumaba sa sasakyan. Nang magsimula na kaming maglakad ay nakahawak lang ako sa kamay ni Zie at sinusunod ang bawat utos nito kung saang direksyon ako liliko at kung kailangan kong taasan ang aking hakbang, nagtataka tuloy ako kung nasaan kami at kung saan niya ako balak dalhin.

"Nandito na tayo." Muling bulong ni Zie at dahan-dahang tinanggal ang aking suot na blindfold.

"Wow!" Manghang sambit ko habang inilibot ang tingin sa paligid. We're back at the lake, ang kaibahan nga lang ngayon ay may mesa at mga pagkain sa gilid ng lawa, may mga nagkikislapang mga lamp chimney na nagsisilbing ilaw sa buong paligid. Sobrang ganda at napakapayapa ng aura.

Parang napapanood ko lang ito sa mga pelikula, kung saan isusorpresa ng bidang lalaki ng isang napakagarang date ang babaeng bida, napaka-romantic.

Daddy (Book 1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon