Zie
Habang nanonood kami ni Ashton ng pelikula ay biglang tumunog ang aking cellphone. Agad ko iyong kinuha at binasa ang mensahe, kagaya ng inaasahan ko ay si Mark nga ang nagpadala ng mensahe na nagsasabing nasa loob na ng apartment niya ang kliyente.
"Kailangan ko nang umalis." Untag ko kay Ashton na mataman pa ring nakatutok sa TV screen, inaya ko ito kanina na samahan ako sa kabilang apartment pero mariin itong tumanggi at sinabing sobrang pagod na ito sa ginawa namin kanina, naiintindihan ko naman ito dahil sa kagagaling nga lang namin sa clinic at mukhang pagod na nga ito emotionally.
"Have fun, Zie. Matutulog na rin ako maya-maya." Tugon nito na pupungay pungay na ang mga mata. Hindi ko na ito inistorbo pa sa panonood at nang makapaghanda na ako ay agad akong lumabas ng apartment.
Nakasuot lamang ako ng isang kulay puting jogger pants at kulay puting penshoppe t-shirt. Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng magarbo dahil huhubarin lang din naman iyon sa simula pa lang.
Agad akong kumatok sa pintuan ng apartment ni Mark at ilang sandali pa ay bumukas iyon. Mariin akong napamura sa aking isipan nang bumungad sa akin ang isang seksing babae na sobrang kinulang sa tela ang suot na damit.
"Tangina mo, Mark." Mahinang bulong ko, hindi niya sinabi sa akin na babae ang magiging kliyente ko at alam niyang kahit kailan ay hindi ko pa nagawang pumatol sa isang babae.
"You must be Mark, ang ganda ng interior nitong apartment mo ha." Untag nito nang mapansing nakatitig lang ako sa kanya at hindi tuluyang pumasok.
Parang ilang sandali lang ay handa na akong tumakbo pabalik sa aking apartment, kapag nakita ko talaga si Mark ay kukutosan ko talaga ito.
"Um, pasok ka na, magsimula na tayo." Muling untag nito sa akin at hinila ang aking kamay papasok sa apartment, pagkapasok namin ay agad nitong isinara ang pintuan at pumasok sa kwarto kung saan dinadala ni Mark ang kanyang mga kliyente.
Laking gulat ko nang pagpasok namin sa kwarto ay mayroong isang lalaki na nakatali sa kama. Tanging pulang boxer brief na lamang ang suot nito, may nakapiring na panyo rin sa bibig nito.
"This is Ayan, ang manloloko kong boyfriend, gusto kong turuan mo siya ng leksyon." May galit na sambit ng lalaki, nang tingnan ko ang lalaki ay nagpupumiglas ito sa mahigpit na pagkakatali ng kanyang kamay. Nagpupuyos sa galit ang mga mata nito na nakatingin sa babae.
"What exactly do you want me to do?" Takang tanong ko, anong klasing leksyon ba ang tinutukoy ng babae?
Tinaasan siya nito ng kilay, "pinag-usapan na natin to diba?" tanong nito.
"I want you to fvck that asshole para magtanda, tingnan natin kung makapangbabae pa 'yan. Tangina, ginawa pa talaga akong sugar mommy, sa seksi kong to ha? Kaya pala ang bilis maubos ng perang binibigay ko sa kanya." Galit na salaysay ng babae. Mas lalo pang nagpumiglas ang lalaki.
"Hindi ka pa sugar mommy sa lagay na 'yan ha?" Biro ko dahil sa sobrang bigat ng atmosphere sa loob ng kwarto.
Pinandilatan ako nito ng mata, "of course not, marami lang talaga akong extrang pera," depensa nito sa sarili.
"Teka nga bakit ba natin pinag-uusapan 'to, magsimula ka na at galingan mo ha? Mahal mahal nang ibinayad ko sa'yo." Sambit ng babae at umupo ng naka dekwatro sa malambot na sofa.
"Miss, what you want me to do with your boyfriend is considered rape and I am not a rapist." Mariin kong sambit at aktong aalis nang tumayo ang babae at mabilis na lumapit sa kama kung saan nakahiga si Ayan, ang boyfriend nito.
Marahas nitong hinablot ang piring sa bibig ni Ayan.
"Hoy! Diba sabi mo gagawin mo lahat para mapatawad kita? Pwes ito ang ipapagawa ko, kapag nag inarte ka pa ay tuluyan na talaga kitang iiwan. Ano gagawin mo o hindi?" Sambit ng babae at sinampal sampal ang pisngi ni Ayan.
"G-Gagawin ko." Nauutal na tugon ni Ayan, basag ang boses nito at parang maiiyak na. Malapad na ngumisi ang babae at tumingin sa akin.
"See? This is not rape, may consent na both party." Sambit nito at parang baliw na natatawa. Tinaasan ko lang ito ng kilay bilang pagpapakita ng pagkadisgusto sa ginawa nito.
"It is still rape, you are emotionally blackmailing Ayan." Mariin kong tugon na ikinainis naman ng babae, sinipat ako nito ng tingin.
"Mga shit kayo, kayong mga lalaki ang gugulo niyong kausap." Galit nitong sambit at mabilis na naglakad palabas ng kwarto, sinadya pa nito akong bunggoin.
Aalis na rin sana ako nang magsalita si Ayan.
"Hey, don't leave," utos nito sa akin.
"Bakit?" Takang tanong ko.
"Fvck me bro, gawin natin ang gusto ni Sasha." Sumamo nito na ikinataas naman ng aking kilay.
"You don't really need to do this," saad ko.
"No, you don't understand bro, I need to do this, kapag iniwan niya ako wala nang magsusustento sa mga luho ko, tangina senior na iyang si Sasha hindi lang halata dahil retokada at mahilig sa make up pero sobrang luwag na niya bro." Seryosong sambit ni Ayan, parang ang hirap namang paniwalaan na senior na si Sasha dahil seksi naman ito.
"Are you giving me consent to fvck you?" Takang tanong ko.
"Yeah bro, hindi ba obvious?" Parang naiirita nitong tugon at hinila ang tali sa kamay, sinusubukan ata nitong kumawala sa tali pero sobrang higpit nito kaya wala ring nangyari.
"Wala ka pang experience sa lalaki?" Tanong ko rito, umiling ito bilang tugon.
Tumango tango ako sa kanya, umaaktong nag-iisip bago umupo sa kama katabi ni Ayan. Dahan dahan kong hinawakan ang kanyang hita na ikinanginig nito, hinaplos ko ito hanggang umabot ang aking kamay sa nakaumbok nitong alaga.
Awtomatikong iniwas nito ang bewang, tinaasan ko siya ng kilay.
"And here I thought you want me to fvck you? Sa simpleng paghawak ko nga lang sa hita at alaga mo ay sobrang ilag ka na." Natatawa kong sambit at muling hinawakan ang hita nito, napalunok ito ng laway pero hindi na umiwas nang tumaas ang mga kamay ko hanggang sa muli kong mahawakan ang kanyang alaga.
Makikita sa ekspresyon nito na ayaw niya sa ginagawa ko pero tinitiis niya.
"If you really want me to do it, then I'm warning you, I'll make it hard for you, wala akong pakialam kung birhen ka pa." Panankot ko rito at muling naglakbay ang aking kamay hanggang sa mahawakan ko ang kanyang pang-upo.
"Shit." Mahinang mura ni Ayan, sinubukan kong kapain ang kanyang butas kahit na may nakaharang pang tela sa pagitan ng butas niya at kamay ko.
"I'm going to enter you here, paluluwagin ko ang butas mo hanggang sa maging kasing luwag nito ang pagkababae ni Sasha." Seryosong saad ko pero sa loob ay gustong gusto ko nang matawa dahil sa pananakot ko sa kanya. Panay ang paglunok nito ng laway.
"Just fvcking do it already." Nangangalaiting sambit ni Ayan na mukhang naiinis na sa mga pinagsasabi ko. Napailing na lamang ako at hinintay na muling bumalik si Sasha sa kwarto para maisakatuparan na ang gusto nitong mangyari.
BINABASA MO ANG
Daddy (Book 1) ✓
RomanceAshton was kicked out of his home for being gay. With nowhere else to go, he turned to social media, offering his body in exchange for shelter. That's where he met Zie Mendez, the CEO of Mendez Publishing Inc. Zie was intrigued by Ashton, and offere...