AOL:Pencil 7

766 26 0
                                    


Ell's POV:




Maaga kami nagising lahat dahil sa gaganapin na raw ang ikalawang activity, mabilis lang daw yun dahil questions and answers lang, pagkatapos nun pwede na muna matulog, kumain ng kung ano-anu, o gawin kung ano man pwede sa loob lang ng aeta village.
Pinag hahandaan daw kasi talaga nila ang ikatlong activity na gaganapin sa buong pamulaklakin forest nato.

Naka ilang questions na ang dean pero diko parin dama ang class ko.
"4-paint nandito ba kayo?" sarcastic na tanong ng dean.

"Naduling na ata si miss dean" narinig kong ani beks kay jenie, tinawag ako ng dean kaya agad akong lumapit
"Kausapin mo nga mga estudyante mo, sabihin mo makisagot at wag magsalita ng kung ano tungkol sakin" ani nya, tsk pasaway kasi tong mga to.

"Class nagusap-usap na tayo kahapon diba pleas lang" pakiusap ko
"Sir alam naman namin ang sagot kaso kapag balak naming sumagot nauunang magsalita lagi 4-brush" reklamo ni alex

"Oh bakit kasalanan ba naming mabagal kayo sumagot?" sagot ng isang lalake mula sa 4-brush
"At bakit din? kailangan ba mag unahan sa sagot, hindi naman ah ang importante yung natututo tayo hindi yung nakikipag kumpetensya pa, mas okay kung pantay pantay lang" sagot naman ni june, tama naman estudyante ko.

"Obviously yes kung walang mauuna walang mananalo, hindi pwedeng pantay pantay bobo!" sagot ulit nung lalake
"aba bastos bunganga mo!" sigaw ni june

"Quite!!!!" sigaw ng dean.
"imbes na magbungangaan kayo dyan mas mabuti pang ituloy nalang ang pagtatanong, you from 4-brush ayoko ng pananalita mo! may point ang 4-paint mas makakabuti na lahat kayo nakakasagot at may alam, pantay pantay nga sabi nya pa.
kaya kayo bigyan nyo ng chance ang iba makasagot" dagdag ng dean.

Nakita ko kung gaano kasama tingin ng lalake kay june, bago tumingin sakin na naka ngise, tsk may problema din ata sakin yung bata.

Itinuloy na ng dean ang pagtatanong at nakakasagot nanaman ang stuyante ko pero ewan dun sa ibang 4-brush akala mo sila mauubusan ng tanong kung mga sumagot akala mo minamaliit estudyante ko.

"Okay let's have a break" tanging ani ng dean bago kami nilayasan, ibinalik sa mga estudyante yung mga pagkaing baon nila kaya eto ako dahil sa walang baong pagkain, lalayo pa para bumili ng pagkain.






Pabalik na sana ako ng harangin ako ng tatlong kapre.
Masama pakiramdam ko na walang sasabihin at gagawing maganda tong mga to sakin.

"Tinuturuan mo ba ng ayos mga estudyante mong stupido, bobo mga walang kwenta?" ani ng lalaking kaninang kasagutan ni june, ngumite lang ako ng pilit bago sumagot.

"Natural oo, di sana hindi ako professor kung di ako nagtuturo ng ayos.... Ikaw natututo kaba ng ayos sa turo ng professor mo.. Syempre oo din! halata naman kaso, dika ata naturuan ng mga magulang mo ng tamang pag uugali o sadya bang ikaw lang may gusto sa panget na ugali mong yan?."naka ngise kong saad.

"At sino ka para sabihan ako ng ganyan?!" hinawakan nya ako sa braso ng pagka higpit, nakakaubos ng pasensya mga ganitong bata kaya pasensyahan nalang kami! kung akala nya diko sya papatulan pwes magsisisi syang minaliit nya ako at mga estudyante ko.

Hinawakan ko din ng mahigpit yung wrist nya para mabitawan nya ang braso ko, akala nya kayayanin nya ko.

"AT IKAW SINO KA PARA SABIHAN AKO AT MGA ESTUDYANTE KO NG GANUN!" sigaw ko, napabitiw naman sya sa braso ko, dahil sa iniindi nya ngayon ang pag hawak ko sa kanya.

"MASAKIT BITAWAN MO!" sigaw nya rin sakin, iniyukom nya isa nyang kamay bago iamba ng suntok sakin, pipigilan ko naman sana pero may nauna na.

"Pag yang isa mo pang kamay ay dumikit sa kahit anong parte ng katawan ni sir, sisiguraduhin kong yang mukha mo didikit sa lupa" pagbabanta ni lucky, binitawan ko na ang kamay nya , ganun rin ang ginawa ni lucky.

ART OF LOVEWhere stories live. Discover now