Michi's POV:
Nasaktan ako sa mga sinabi ni ell kaya ko nagawa ang pananampal sa kanya, nabigla lang naman talaga ako.. Ayoko talagang gawin yun dahil anak sya ng taong mahal ko, alam kong may alitan ang mag ama kaya pinipilit kong maayos na pero mahirap din pala, anak narin ang turing ko sa kanya kahit di nya ako matanggap.
Naiintindihan ko naman si ell kaya sya ganun dahil simula pagka bata nya ay walang magandang pakikitungo ang ama nya sa kanya, walang inang nag aruga sa kanya. Kilala ko sya dahil narin sa mga taong may koneksyon sa kanya.
"Bakit sinaktan mo si ell!" sigaw sa kabilang linya ng pinsan ko.
"nabigla lang ako, kung ano anu kasing masasakit na salita ang sinabi nya sakin" mahinahon kong sagot."Nasaktan ka? sabagay tama naman pinagsasabi ni ell hahaha" pangaasar nyang ani, Sinamaan ko naman ng tingin si adon na napayuko nalang sakin alam ko namang sya ang nagsabi sa hayop at bakla kong pinsan, dahil alam din nito ang kayang gawin sa kanya mg taong yun.
"Sa susunod na saktan mo sya o kahit pa ng magiging asawa mo pag sisisihan nyo yun!, diko na hahayaang saktan ng walang kwentang ama nya si ell!" halata naman siguro na dahil bakla nga ang hayop kong pinsan ah patay na patay sya kay ell.
"Isa pa nga pala maganda ginagawa mong plano ngayon, sa iba sya natutuon... Yang si yllor libang libangin mo rin para ang lemlie legazpi nalang ang poproblemahin natin"... "sige na galingan mo pang umarte para naman tuloy tjloy na akong matuwa sayo!" end call..
Sa totoo ayoko naman talagang gawin mga inuutos nya pero ayokong may mangyaring masama sakin, kay yllor pati narin sa kapatid ko na ipinahahanap nya, dahil bago pa ako magpaka alipin sa kanya ay nailayo ko ang kapatid ko, ayokong matulad sya sa miserableng buhay ko, sya nalang ang natatangi kong pamilya..
Kilala ko ang pinsan ko hindi sya basta basta lang nag babanta, ayokong may mawala pa sakin dahil sa kagagawan nya.masbuti natong sumunod ako sa kanya kaysa may masaktan o mamatay.
Ang pinsan ko simula ng mga bata pa kami utus-utosan na nya ako, pati narin ang buong pamilya ko..
Wala kaming magawa sa kanila dahil nakakaangat sila samin, yung tipong kayang kaya nilang baliktarin ang tama sa mali, kayang kaya nila bumili ng tao at higit sa lahat kayang kaya nilang pumatay ng tao."Pasensya kana michi, maintindihan mo sana." napa bugtong hininga nalang ako
"sige pasensya kana rin adon" kahit naman sunod sunuran rin sya sa pinsan ko sakin pa rin naman kumakampi dahil sa kaibigan ko rin sya, pinangungunahan lang talaga sya ng takot, hawak kami pareho ng pinsan at tiya ko sa leeg."kamusta nga pala kapatid ko?" alam ko kung nasaan at kilala namin ni adon ang kapatid ko. Sya ang tumitingin sa kapatid ko dahil bantay sarado ako ng pinsan ko.
"Gaya ng nakaraan maayos naman sya, mas masaya sya ngayon alam mo naman diba kung bakit." paliwanag nya.
"Hindi ko alam adon kung ano kahahantungan nito, oo nga't nakikita kong masaya kapatid ko pero habang tumatagal, sya ang lumalapit sa kapahamakan" pag aalala kong ani
"Michi hanggat tayo lang nakakaalam nito ,mapoprotektahan pa natin sya.. Wag kang mag alala okay."
"natatakot ako adon" maiyak iyak ko nang ani sa kanya
"bakit kasi hindi ka humingi ng tulong kay sir yllor, alam ko may magagawa sya"."Hindi! ayoko! ayoko adon baka masaktan sya, pati narin ibang taong gusto kong protektahan, natatakot ako adon ayoko na ulit ng may mawala mg dahil sakin, nawala na mga magulang ko.... Ayoko na ulit.. ayoko na" umiiyak kong ani
Niyapos nya ako at hinahaplos ang likuran."Sa tingin mo ba yang ginagawa mo di mo masasaktan mga taong mahal mo?"napakalas ako sa akap nya
"michi kung puro takot yang uunahin mo, baka ayan pa mas makapag pahamak sa mga mahal mo, akala mo ba kapag nakuha na ng pinsan mo ang kumpanya ng mga legazpi titigil na sila sa kasamaan nila? Hindi si ell ang pinaka maiipit dito" adon
YOU ARE READING
ART OF LOVE
FanfictionART OF LOVE PENCIL (Editing) ART OF LOVE ERASER (soon...) ART OF LOVE COLORS (soon...) ART OF LOVE PAINTING (soon...) ART OF LOVE PAPER (soon...)