Ell's POV:
Madalas na akong maka ramdam ng kaba at ayoko ng ganitong feeling, para kasi talagang may kung anong masamang bagay na mangyayari o nangyayari ngayon na may koneksyon sakin, damn this feeling!
Mabuti nalang at laging nasa tabi ko si lucky, isama mo pa si june, anton at zack na nag papasaya sakin kahit na madalas nila ako pag tulungan asarin.
Nag tataka rin ako na halos ilang araw nang di sumasama si benny sa mga to, gusto ko man sya kausapin pero tuwing lalapit ako sa kanya o mag sasalita na tungkol sa kanila eh bigla syang iiwas."Salamat sa pang aasar nyong apat huh! nakakatulong naman kahit papano sakin" ani ko.
"wala yun sir.... kulit nyo rin kasi diba nga sabi ng doctor nyo wag kayong masyadong mag isip ng negative kapag kinakabahan kayo" ani naman ni lucky
"ginagawa ko yun, salamat pa rin at napapasaya nyo ko pero...." tumingin ako sa gawi ni benny na tahimik lang na kumakain, nasa cafeteria kasi kami kumakain ng sabay sabay at tanging si benny lang naka hiwalay samin.
"mas masaya sana kung kasama nyo di benny mam-bwiset, nakaka miss din kaya yung balugang yun" natahimik lang sila, habang si lucky naman ay naka kunot noong napatingin kay benny.
"kung kaaway nyo si benny diba sya kawawa, iisa lang yung tao oh! kung may kasalanan sa inyo kayo nalang magpa tawad! kaibigan nyo sya diba kaya lakad kausapin nyo" utos ko, nag kunot noo narin si june at umiling iling.
Hindi sila nag sasabi sakin kung ano ba talagang nangyari't nag kaka-tampuhan sila.
Nasanay narin kasi akong silang lima nangu-ngulit sakin, totoo rin yung nakaka miss si benny dahil bukod kay lucky sya ang pinaka malakas mang alaska, sya rin ang paborito kong gawing punching bag kapag natatalo ako sa pang aasar nila.
"sir wag nyong ipilit ang gusto nyo, ayaw na muna naming kausapin si benny" seryosong ani june
"huh baliw ba kayo? hindi sa ipinipilit ko ang sakin lang ay magka ayos ayos na kayo, pahalagahan nyo pagka-kaibigan nyo... zack, anton kayong dalawa pinaka close kay benny bakit hinahayaan nyong mag tagal pa yung tampuhan nyo? hindi na kayo mga bata para mag drama" medyo iritar kong ani.
"sorry sir pero hanggat dipa nakapag desisyon itong si lucky at june na kausapin si benny hindi narin muna namin sya kakausapin" si zack
"sir intindihin nyo sana kami ngayon, opo close ko si benny best friend ko pa nga eh, kaso gaya ng sinabi ni zack hihintayin namin sila lucky ang maunang kumausap bago kami.
Sa totoo lang sir gusto ko na kausapin si benny dahil di ako sanay na ganito kami ngayon, matalik ko syang kaibigan kaya ayoko rin ng nangyayari...
Ayoko kasing kumilos na baka rin pag sisihan ko, mas mabuti pang umasa na muna ako sa iba ko pang mga kaibigan para itama yung isang taong mali ang ginagawa" mahabang lintanya ni anton.Gaano bang kasalanan ginawa ni benny para magka ganito tong apat? hindi ba pwedeng patawarin nalang nila, mas importante ang pagka-kaibigan, nag aalala ako na baka habang pinatatagal nilang hindi mag pansinan, mag usap ay tuluyan ng masira yung magandang pagka-kaibigan nila, oo nung una alam kong di sila magkaka sundo pero ng tumagal at lagi ko silang nakakasama ay kitang kita ko kung gaano sila kasaya tuwing mag kakasama.
"Wag na wag kayong tatayo dito, kapag lumapit kayo sakin ipina-pangako kong ako ang magagalit sa inyo" nag taka naman sila sa sinabi ko, tumayo ako at humarap sa kanilang lima.
"Pupuntahan ko si benny" agad naman silang nag react na akala mo ay mapapahamak ako kapag lumapit ako kay benny.
"Kumalma nga kayo! tusukin ko ng tinidor yang mga mata nyo eh...
Hayaan nyo diko sya pipiliting kausapin kayo, kakamustahin ko lang sya at isa pa ayokong pati ako iniiwasan nya" paliwanag ko, yung kaninang mga naka kunot noo nilang reaksyon ay napalitan ng pag aalalang tingin sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/123224554-288-k254714.jpg)
YOU ARE READING
ART OF LOVE
FanfictionART OF LOVE PENCIL (Editing) ART OF LOVE ERASER (soon...) ART OF LOVE COLORS (soon...) ART OF LOVE PAINTING (soon...) ART OF LOVE PAPER (soon...)