AOL:Pencil 12

750 18 0
                                    

Ell's POV:

Lutang ako kakaisip kung paano ako naging isa sa makaka sayaw ng kapatid ni lucky para sa debu bukas.
Damn it! wala akong kaalam alam sa sayaw nayan kahit simpleng pag sway ata diko alam huhuhu.
Ni diko naranasang mag sayaw ng babae noong prom at ball namin ng HS at college life ko.

"Wala to mga pre lutang talaga si sir" ani zack na natatawa
"prof ano meron? okay lang po ba kayo? patapos na kaming kumain kayo di nyo pa nagagalaw pagkain nyo" ani naman benny.

"Miss nyo naman agad si lucky, makikita nyo rin yun bukas" pang aasar ni zack, pesteng batang to nag iisip ako dito ng sulusyon panggulo naman.

"Sir ano ba kasing iniisip nyo?" matinong tanong ni anton
"Kasi.... ano...." hindi ko maituloy dahil nahihiya ako peste
"kasi? ano?" si anton

"Diba isa ako sa magiging partner ng kapatid ni lucky?" tumango lang naman sila "ganito kasi... hindi kasi ako marunong sumayaw" Nag tinginan yung apat bago nagtawanan na akala mo sila lang tao dito sa restaurant.

Binigyan ko sila ng tag iisang kutos na ikinatigil nila sa pag tawa
"Seryoso kasi ako! pati ang gulo nyo! mahiya nga kayo, pinag titinginan tayo dito!" iritar kong ani

"Sir aso nga nakaka sayaw kayo pa kayang tao" natatawang ani anton
"Sa hindi ako maalam eh!" sigaw ko sa mukha nya
"Kalma prof" ani benny

"Paano ako kakalma kung trip nyo ko, isa pa anong gagawin ko bukas baka mapahiya lang ako, o kaya matapakan ko paa ng kapatid ni lucky" alam ko mas marami pang mas malalang problema dito pero, kaka stress isipin yung party bukas tsk!

"Don't worry sir i'll teach you how to dance, yung pinaka basic lang" natuwa naman ako sa sinabi ni june
"Talaga? sige mamaya turuan muna ako" ngiteng ngite akong naka harap sa kanya at hinawakan ko pa ang dalawa nyang kamay.

"O-opo" utal at tangi nyang sagot, napansin kong naka titig sya sa kamay namin ng biglang syang napa kagat ng labi at namula.
"Hoy nyare sayo?" binatukan ni zack si june na ikinalingon nya.

"Mukha kang asong hindi mapa utot!" pang aasar naman ni anton, hinipo ko ang noo at leeg nya para i-check kung nilalagnat sya, bigla nalang kasing naging sobrang pula ng mukha nya.

"Hindi ka naman mainet, bakit ganyan mukha mo?" tanong ko, ng ilapit ko mukha ko sa mukha nya ay napaatras sya dahilan para muntik na syang matumba sa kinauupuan nya.

"m-ma-mag c-cr lang a-ako" dali dali syang tumayo at nag madaling pumunta sa CR, pina sundan ko kay benny dahil baka kung ano nararamdaman nun.

"Ay sir baka natatae kaya ganun" pilyong ani anton
"bastos nito nakain dito oh" reklamo naman ni zack
"namo kaylan kapa naging maarte?" nag bubwisitan lang yung dalawa ng bumalik sina june at benny.

"Oy june dapat sinabi mo nalang ng deretsong natatae ka di yung pinag alala mo pa si sir" kinutusan naman sya ni june.

"Gago ka anton! medyo nainitan lang ako kanina kaya namula ako!" si june
"anong ginawa mo sa banyo?" tanong ni zack.
"nag hilamos lang yan, mukha ngang nainitan yan" sabat naman ni benny

"Ano to joke? nainitan sa restaurant na may aircon, at isa pa nainitan kapa tapat tayo ng aircon!" pinaglalaban naman ni anton, pero tama naman sya ako nga nilalamig pa eh.

"Eh sa nainitan ako gago!"
"Sya na kumain nalang tayo, para maaga tayo makauwi" ani ko
"Uuwi agad diba tuturuan ko kayo mag sayaw?" oo nga pala.

Matapos naming kumain ay naglibot kami sa mall para humanap ng damit na isusuot ko bukas, naiwan kasi mga tuxedo at mga formal dress ko sa america kaya bibili ako ng pwede gamitin. Nakakatawa diba pero seryoso baon ko lang na damit ng pumunta ako dito sa pilipinas kung di mga polo shirts, sando at t-shirts lang dala ko.

ART OF LOVEWhere stories live. Discover now