AOL:Pencil 21

506 16 2
                                    


Ell's POV:

Nag tagal pa ako dito sa banyo para iwasan ang papa ko, oo ngat di nya ako pinag sasalitaan ng masasakit pero ang panget pa rin ng pakikitungo nya sakin, ayoko rin mapahiya sa harap ng mga studyante ko kaya mas maigeng umiwas nalang ako.

"Sir" nagulat ako sa pag tawag sakin at biglang pag yakap ng mahigpit.
"s-sandali nahihirapan a-ako huminga" ani ko kay benny, unti unti nyang niluwagan ang pag akap nya sakin.

"bakit benny? may problema kaba?" tanong ko, nakayapos pa rin sya sakin
"wala.... pero kayo meron, di ka man mag sabi samin nakikita namin yun lalo nako" paliwanag nya, bumugtong hininga ako bago tinapik likod nya ng dahan dahan.

"Ang swerte ko sa inyong mga studyante ko, kung mag alala kayo sakin para bang kapamilya nyo na ako.... Alam mo makita nyo man akong ganito sa dulo naman magiging maayos na ako" paliwanag ko

"Sir hindi ko alam paano kayo nakakatiis sa ugali at pinag gagagawa ng ama nyo sa inyo, kung ako nasa katayuan nyo baka kamuhian o gantihan ko pa sya" nanlaki ang mata ko bago sya naitulak ng marahan, dahilan mapahiwalay ako sa akap nya.

"pa-pa-paano mong nalaman yan?" pautal kong tanong.
"Hindi ako katulad nila lucky na walang alam sa inyo at inaamin ko yun, alam nyo ba na isa sa dahilan ko kaya gustong gusto ko kayong tao di lang dahil napaka buti nyong tao kundi at napaka tatag nyo" paliwanag nya

"paano mong nalaman?"
"simula nung nakapag turo kayo samin, alam ko rin tungkol sa pamilya nyo, stalker ba ako? siguro ganun na nga"
"pero bakit?"
"malalaman nyo rin kung bakit, sa ngayon gusto ko lang damayan kayo sa problema nyo, sana ituloy nyo lang yang pag papakita ng tapang.... Gusto ko makita sa inyo na laging masaya kayo, pinpangako ko na matatapos rin yang ginagawa sa inyo ng papa nyo" paliwanag nya ulit

"salamat pero anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"gaya ng sabi ko kanina malalaman nyo rin yun, masasabi ko rin sayo o ikaw na mismo makakaita at makakaalam kung paano ko nalaman ang tungkol sa inyo" ani nya, hindi na nya ako hinintay makapag salita dahil umalis na sya agad.

Kinakabahan ako sa mga sinabi ni benny, bakit kailangan nya alamin ibang tungkol sakin lalo nasa pamilya ko.
Ayaw na ayaw ko pa naman may makakaalam tungkol doon bukod kay kenn.
Sandali di kaya na kukwento ni kenn kay benny, alam ko close silang dalawa.
Baka sinasabi nya lang na ini-stalk nya lang ako para di ako magalit kay kenn.
Kakausapun ko si kenn tungkol dito.

Lumabas na ako para bumalik sa kinauupuan nila lucky, sa totoo kung mag tatanong sila sasagot naman ako syempre tungkol lang sa papa ko hindi nila kailangan kung anong meron sa pagitan namin.
Kaso wala silang mga imik ngayon puro lang sila nakatingin sakin.
Ayaw na nila siguro na marinde sa kakakulit nila, ayos narin yun.

Isang oras ang lumipas ng pakaunti na ng paka unti ang tao dito, gustong gusto ko narin umuwi pero hindi pa pwede, maiiwan daw muna kaming mga professor dahil may pa meeting pa ang dean jusko pwede namang sa ibang araw na nya gawin dahil pagod na kami.

"Bakit kayo nagpa iwan?" tanong ko sa mga studyante ko kumpleto sila.... wait wala si benny at nandirito pa rin ang kapatid ni anton.
"sige saglit lang balik agad ako at kakausapin daw kami ng dean" pagpapaalam ko.

Kinausap kami ng dean para i-congratulate sa successful na party na daw ito, at plano daw nya mag dinner party para doon mamaya.
Nah ayoko umattend bukod sa pagod ako ayoko ng makaharap pa ang ama ko.
Sinabi ng dean kung saan kami mag kikita kita, pero wala talaga akong balak makisama sa kanila.

Umalis na ang ibang professor at kaming mga studyante ko nalang ang natitira, pati narin ang dean at si..... Nasaan ang papa ko? umalis na ba?
Mas maige di talaga ako mapalagay kapag nandyan lang sya sa paligid.

ART OF LOVEWhere stories live. Discover now