AOL:Pencil 34

526 14 3
                                    


Ell's POV:

Naurong ngayon ang pag punta ni lolo dito sa pilipinas dahil may aasikasuhin pa raw syang importante, baka bukas o sa makalawa sya bibiyahe papunta rito.
It means hindi pa nya makaka-usap si mrs ramos ang ina ni benny, ayoko naman sya kausapin dahil nahihiya o kinakabahan ako sa kanya.

Masasabi kong balik normal na naman pakikitungo nila sa isa't isa, nakikita ko na ulit ang benny na nakilala ko noon, oo medyo may ilangan pa pero ayos narin dahil baka kapag tumagal tagal pa magiging maayos na ang lahat.

Ang papa ko naman ay maayos ayos na rin, hindi nga lang ako napunta ng gising sya dahil baka pag nakita nya ako, mas lumala pa lagay nya.
Tsaka ko nalang sya kakausapin kapag full recovery na sya, hindi ko naman alam kung nakapag usap naba si papa at ang dean dahil nakikita ko naman ang dean na lagi syang nasa tabi ni papa.
Kakausapin ko nalang ang dean mamaya, para kamustahin man lang.

Kaya siguro ganon nalang pakiramdam ko sa dean dahil meron nga silang pinlano ng tiyahin nya, kaso diko rin naman sya masisisi dahil ayon sa kwento ni kenn ay natatakot lang raw ito sa pwedeng gawin ng ina ni benny kay dean at pati narin kay kenn na sya palang kapatid nya.

Hanggang ngayon gulat pa rin diwa ko dahil sa dami rami ng taong nakilala at nakakasama ko ay may mga koneksyon pala sa isa't isa.
Ang galing lang ni Lord, oo nagkaroon ng mga problema pero may kapalit naman na saya iyon lalo na sa best friend kong si kenn, nakilala na nya yung natitirang pamilya nya.

Ang taong kasi nayun hangga ako sa kanya imbes na kamuhian nya ang mga nang iwan sa kanya noon ay madali nya itong napa tawad at tinanggap.
Idolo ko talaga ang lolo ko dahil di lang ako ang napalaki nya ng maayos, pati narin ang kaibigan kong si kenn.

Tuwang tuwa ako ngayon dahil nakikita ko kung gaano kasaya ulit ang mga studyante ko lalong lalo na sila lucky, ang mga taong to hangga rin ako sa kanila na kahit na mga mukhang gago ay pina hahalagahan kung ano mang meron silang pagkakaibigan, madali rin silang mag patawad, nakakatuwa lang bilang isang guro nila ay maayos kong nakikita ngayon mga syudyante ko di lang sa pag-aaral pati narin sa pag uugali.

"Sir cute kana pleas lang tigilan mo na pagpapa cute ng sobra" napa lingon naman akong nag tataka kay lucky, lumapit pala sya ng diko namamalayan.

"papa-cute? kaylan? saan?" taka kong tanong, alam kong cute na ako pero di ako mahilig magpa cute.
"yung pangite ngite nyo ng sobrang tamis dyan kanina pa, bawasan nyo konti sir baka sa halip na sila june at benny lang may gusto sa inyo madagdagan pa" may tunog pagka selos ang pagkaka sabi ng unggoy nato.
Napatawa nalang ako ng mahina bago tinaasan sya ng isang, unggoy nato sya nga nagpapa cute sakin lagi, tas ako pag bibintangan.

Dahil sa natutuwa talaga ako at sure na sure nang inlove nga ako sa unggoy nato pasasapian ko ulit ang katawan ko ng kaluluwang sweet pa sa vanilla haha.
Hinawakan ko ng palihim ang kamay nya bago ngumite ng pagka tamis sa kanya.

"Alam mo cute mo talaga kahit na unggoy ka naman talaga" mahina kong bulong, napa nguso naman sya sa sinabi ko, tignan nyo sya nga itong di maumay magpa cute.
"Ma-inlove man sila sakin alam ko nanaman sa sarile ko kung sino ba talaga ang gusto ko, kiligin kana dahil ang taong mahal ko ay kahawak kamay ko ngayon at nag ngangalang lucky" dagdag kong bulong.

Unti unti kong nasilayan ang ganda ng pagkaka ngite nya at pag pula ng kanyang mukha, bago humarap sakin.
Mas hinigpitan nya ang kapit nya sa kamay ko.
Diko talaga alam bat ang bilis ko rin na hulog sa unggoy nato.

"Bumalik kana doon at baka maka halata iba mong kaklase na ni lalande mo ko" binitawan ko na kamay nya, bago sya ipinag tutulakan ng marahan.
"basta date tayo mamaya ah hehe" bulong nya bago tuluyang bumalik sa kina-uupuan nya.

ART OF LOVEWhere stories live. Discover now