AOL:Pencil 9

651 18 0
                                    

June's POV:




Nagising ako dahil wala sila lucky at sir sa kwarto, napansin ko ring wala yung nakasagutan ko dito at yung dalawa pa.
dali dali akong bumangon para lumabas dahil masama ang kutob ko.
Kahit malakas ang ulan hinahanap ko sila ng maka salubong ko yung dalawang kaibigan nung renz.

"Hoy nasaan sila sir!" sigaw ko sa kanila, nagkatinginan muna sila bago sumagot yung isa
"Hindi namin alam" tangi nyang ani.

"Nasaan sila!" kinuwelyuhan ko yung isa dahil sa inis ko
"Kahit patayin mo pa kami ngayon hindi namin alam" tinanggal nya ang kamay ko bago ako tinalikuran shit!.

Halos 30 mins na akong naghahanap ng maka salubong ko si renz, na madugo ang damit at masugat ang mukha.
Shit lalo akong kinakabahan.

"Ikaw anong ginawa mo kala sir, nasaan sila?!!" sa halip na sagutin nya ako ay tinawanan nya pa ako.
"siraulo ka nasaan sila?!" ulit ko

"Kung gusto mo sumunod sa kanila nandun sila sa may bangin nag tatagu-taguan" binigyan ko sya ng pagka lakas na suntok sa mukha na ikina tumba nya
"Tandaan mo pagbabayaran mo kung ano mang ginawa mo sa kanila!" ani ko bago tumakbo dun sa sinasabi nya.

Nakarating ako kung nasaan daw sila lucky, pero diko sila makita dito palinga linga ako para hanapin sila pero wala talaga "SIR!! LUCKY!! NASAAN BA KAYO?" sigaw ko ng makailang ulit.
Napatingin ako sa ibaba ng bangin ng bigla akong nakaramdam ng kaba, shit wag naman sana..




-------




Ell's POV:

Nagising ako sa pag alog at pagtawag ng isang tao, asar sobrang sakit ng buong katawan ko nilalamig narin ako.
"Sir mabuti't gising na kayo" inakap nya ako ng mahigpit
"j-june?" gulat kong ani.

"Pagbabayaran ng renz nayun ginawa nya sa inyo" ani nya ng maka alis sya sa pakakaakap sakin, bigla kong naalala si
"si l-lucky na-nasaan?"
"inilipat ko sya dun sa hindi masyadong mauulanan, tumayo na kayo dyan sir dipa rin nagigising si lucky" ani nya

Inalalayan nya ako para makapunta kung nasaan si lucky
"paano ka naka punta dito?" tanong ko
"gumawa ako ng paraan para makababa"
"salamat june"..

Hanggaang ngayon ay hindi parin gumisising si lucky sobra na kaming nag aalala damn.
"Sir kumalma kayo, hindi makakatulong kung balisa kayo tumila tila lang ang ulan aakyat para makaalis na dito" pagpa kalma ni june sakin
"kasalanan ko talaga to, nadamay pa kayo ni lucky" naiiyak kong ani.

"Tsk! sir kung merong may kasalanan dito yun yung renz nayun! kasalanan nya kaya tayo nandito ngayon, wag nyo na sisihin sarile nyo ang magagawa nalang natin ang mag hintay pa"...

Nagulat ako ng bigla akong hilahin ni june
"sir wag kayong gagalaw m-may ahas" nag aalalang ani nya
lumapit yung ahas sa may pwesto ni lucky kaya dali dali kong sinipa yung ahas, tumalsik naman ito pero bumalik agad sa may harap ko.
Bigla naman akong itinulak ni june dahil umabante yung ahas...

"Shit!" napamura nalang si june at napaupo, iniinda nya ngayon ang tuklaw ng ahas
"bakit mo ginawa ginawa yun!" bulyaw ko
"kaysa naman kayo matuklaw" dali-dali akong pumunit ng tela sa damit ko at itinali sa binti nya.

"Tiisin mo sakit... bakit kasi kailangan nyong isugal buhay nyo para lang sakin" ani ko bago ako yuko at sinipsip ang binti ni june...

"S-sir wag nyo pong gawin yan" pagpigil nya, inangat ko ang ulo ko at ibinuga yung sinipsip ko mula sa binti nya
"Ang sama ng dugo mo" ani kong naduduwak "huh?"

ART OF LOVEWhere stories live. Discover now