AOL:Pencil 29

522 15 6
                                    

A/N:alam kong napaka raming typo sa mga updates ko, kaya pag pasensyahan nyo na... Hindi ko maunang mag edit dahil hindi madaling pag sabayin ang buhay wattpad at buhay para mabuhay (ano raw? hahaha) basta ayun nayun.

Mas inuuna kong makapag update kaya tsaka ko nalang i-e-edit ang mga mali dito sa kwento.
Ayun lang thank you.
Enjoy for this chapter :)

Ell's POV:

Halos parati na kami mag kasama ni lucky at parati akong masaya feeling ko wala akong iniintinding problema at gustong gusto ko yun.
Minsan patakas pa nga kami ni lucky dahil OA minsan si june at benny, iniisip ko nga kung bakit dahil imposible namang nag seselos sila samin ni lucky.

Ngayon magkasama nanaman kami ni lucky, dito sa bahay nila sabado kaya walang pasok, nagtataka nga ako kay kenn dahil ang dalang ko makita sa bahay, ni hindi pa rin kami makapag usap ng matino ni kamustahan nga diko nakakausap.

"Uminom kana muna" inabutan ako ng orange juice ni lucky, ngumite ako sa kanya at kinuha ang juice.
"ayos ka lang ba? ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong niya.

"Naalala ko lang si kenn iisa ngang bahay inu-uwian namin pero ni hindi man lang kami nakakapag usap ng ilang araw na, nag aalala din naman ako dun sa bakulaw nayun dahil kaibigan ko" paliwanag ko sa kanya.

"baka naman marami lang ginagawa, di madali trabaho nya ah"
"kahit weekend's ganun rin sya, kapag nakikita ko naman sya sa bahay ni di nya ko iniimik, tanging pag tango lang sinasagot nya sakin... tingin mo may galit kaya sakin si kenn?" baka nga, pero ano naman nagawa ko para magalit sya?

"kung galit nga sayo si kenn ano naman dahilan nya? may nagawa kabang kasalanan sa kanya?" tanong nya pero inilingan ko lang, bumugtong hininga sya bago hawakan ang kamay ko.

"Wag kana mag alala okay ayos lang yun maniwala ka sakin.... Isa pa alam mo bang na-nag seselos ako" ani nya yung salitang selos hininaan nya man pero sapat na para marinig ko, napayuko yuko sya at napapakamot sa ulo. Ang cute nya talaga kapag umaaktong nahihiya haha.

"Ikaw lang yung unggoy na cute na nakita ko" pang aasar ko sa kaniya, nilingon nya ako at biglang nag bigay ng baka budangot na mukha haha para talaga syang bata.

"Ang sweet mo talaga sakin ell" sakrastik nyang ani, inilapit ko ang mukha sa mukha nya na ikinalaki ng mata nya at mabilis na pag pula ng mukha nya haha ang saya talaga kapag nakikita kong ganito epekto sakin ng unggoy nato.

"i know kaya nga na inlove ka sakin" pang aasar ko muli, bago kinurot ang matangos nyang ilong, inilayo ko na ang mukha ko dahil miski ako ramdam kong namumula na mukha ko at bilis bilis ng tibok ng puso ko.

"Ganun narin ba nararamdaman mo sakin?" tanong nya, pero diko sinagot ni ngitian ko nalang sya at hinawakan ang kamay nya, ayoko kasing mag sinungaling sa kanya at lalo nasa sarile ko na wala akong gusto sa kanya ngayon lalo na't sya ang dahilan kung bakit ako masaya ngayon.

Mas iba tong nararamdaman ko para kay lucky kaysa sa dating tao na nagustuhan ko, aaminin ko sa gwapo at cute kong to never pa ako nagkaroon ng karelasyon, di naman sa ayoko pero mas itinuon ko ang sarile ko sa pag aaral at trabaho para ano ba? syempre para mapansin naman ng ama ko ang kaya kong gawin, pero hindi rin pala nya pala bibigyan ng pansin.

"Magagalit kaba sir kubg hahalikan kita?" tanong ni lucky, nabitawan ko kamay nya at itinulak palayo sakin... Hindi sa ayoko pero wala pang kami (sagutin mo na kasi) nahihiya pati ako.

"Sige na nextime dina ko magpa paalam para magawa ko haha bahala na kyng magalit kayo,  ilang na ilang na kasi kayo ngayon eh" natatawa nyang ani.

"baliw! halika na sa kusina pag luto mo na kami nila tita" alam ko makapal mukha ko dahil tita na tawag ko pero yun kasi sabi nya miski ng mommy nya na tita itawag ko.
Nagpa alam ako kay boss L na naka display sa study table ni lucky, nakakatuwa dahil iniingatan nya talaga gaya ng sinabi ko sa kanya.

ART OF LOVEWhere stories live. Discover now