AOL:Pencil 8

725 20 0
                                    


Lucky's POV:




Narinig namin lahat ng sinabi ni sir sa kausap nya, kaya pala para syang wala sa sarile kanina gawa ng ng isang taong importante sa kanya, oo naawa kami sa kanya ngayon iyak din sya ng iyak kanina.

"Bakit di umuwi si sir para makamusta nya lagay nung binabanggit nya" ani anton
"Kausapin ko lang ang dean para makauwi si sir" ani ko, sinamahan ako ni june para makausap ang dean.

"Miss adon nadyan po si miss lazaro?" tanong ko
"Ka-kaalis nya lang kanina, bakit?"
"Umalis diba may activity pa?" tanong ni june.

"May emergency sa manila, yung fiance nya kasi nasa hospital bakit ba?"
"Ah kasi po may emergency po si sir"
"Tinanong naman sya kanina ni miss michi kung sasabay, ayaw naman nya kaya naiwan sya at kami na muna daw bahala sa mga estudyante at itutuloy ang huling activity" paliwanag nya.

"Sasabay?" taka naming tanong
"Sabagay di nyo alam sige na bumalik na kayo dun at marami pa akong gagawin, wag na muna kayong pasaway kay ell at may problema yun, wag na kayong mag tatanong okay" huli nyang ani bago kami palabasin.

"Oh balita? bungad ni atnon
"ayaw naman daw ni sir umuwi manila, wala din ang dean doon lumuwas na atang pa manila" paliwanag ni june.

"Wag nalang muna natin kulitin si sir" tumango naman sila sa sinabi ko, kinausap ko rin ang buong 4-paint na wag na maging makulit, sundin nalang kung ano mang sabihin ni sir at ni miss adon, para kahit papano mabawasan stress ni sir.

Nag tatanong pa sila kung may problema pero mas okay na diko nalang pinaalam sa kanila kami lang nila june nakakaalam.
Tahimik lang kaming lahat sa labas ng tent ng magising sir.

"Oh class ano meron?" naka ngite nyang tanong.
"Wala sir napagod lang kami kanina sa activity" ani zack
"Sir bakit namamaga ata mata nyo?" tanong ni beks.

"Ah ganito talaga ako kapag bagong gising hehe... kumain na ba kayo?" tumango nalang kami sa tanong nya.
"May gusto paba kayong gawin?" tanong nya ulit.

"Wala naman po sir kayo ba?" tanong ko naman
"Tutulungan ko si miss adon para sa activity bukas"
"Pwede ba kami tumulong?" tanong ko.

"Hindi na mga gagamitin lang naman itutulong ko dahil di ako pwede sumama sa paglalagay nila ng hahanapin natin bukas sa buong forest nato" paliwanag nya

Nang makaalis si sir nangungulit nanaman mga kaklase ko
"Oy mukang umiyak si sir, may problema ba sya?" tanong ni alex.

"Iba din na se-sense ko kay sir... lucky ano na bang problema baka makatulong kami" ani naman ni beks
Diko nalang binibigyan ng sagot ang mga tanong nila.

"Tumigil na nga kayo kakatanong! oo may problema si sir pero di rin nyo naman sya matutulungan tungkol doon ni kami nga walang nagawa" ani june.

"Guys ganito kung gusto nyo gumaan gaan loob ni sir wag tayong maging pasaway katulad lang ng sinabi kanina ni lucky" ani naman ni zack.

Maliligalig kami at pasaway sa totoo lang 2 professor's na nag quit dahil samin pero ngayon iba takbo ng nangyayari, oo nga't halos kalahating buwan palang namin sya nakakasama pero mabait talaga sya, magaling magturo at higit sa lahat matiisin sya.
Kaya siguro ganito dahil sya lang nakakatagal samin.

Pagabi na ng maka balik si sir, halata pa rin sa kanya yung dinadala nyang problema.

"Oh tahimik nyo? anong meron at di ata kayo nangungulit?" tanong nya
"pagod lang kami sir" ani beks
"Ganun ba, sige pahinga muna kayo dyan mamaya kakain na tayo" nakangite nyang ani, biglang nag ring ang cellphone nya.

ART OF LOVEWhere stories live. Discover now