So ganun pa rin ituloy nyo lang po pagbabasa, pasensya narin sa mga typo usong uso naman yan sa mga writter sa watty dibah? hihi.
Ell's POV:
Araw na ng debu ng kapatid ni lucky, mukha akong tangang kinakabahan.
Gusto ko sana umatras kaso hindi na daw pwede at inaasahan rin ako nung may birthday.
Oo nga marunong runong na akong sumayaw, natatakot pa rin akong matapakan ko paa ni lucy.Dahil sa busy sila lucky at yung apat hindi daw nila ako masusundo, sinabi nalang nila ang address kung saan gaganapin ang birthday party.
Hindi naman makakasama si kenn dahil sa kailangan sya sa office nila, may problema daw kasi, pero ita-try nya raw sumunod.Matapos akong maligo ay tumungo muna ako sa mall, maaga pa naman gabi pa kasi start ng party.
Bibilhan ko ng regalo kapatid ni lucky, tinawagan ko si lucky para itanong kung anong hilig o gusto ng kapatid nya, sinabi nya naman kaya tumungo ako agad kung saan makakabili ng ganun."excuse po sir ano po bang hinahanap nyo?" tanong ng isang sales lady, sa totoo lang nahihiya akong bumili nito pero dahil sa ito daw talaga hilig ng kapatid ni lucky no choice basta ikasasaya ng bata.
bahagya akong yumuko at sinabi yung hinahanap kong libro.
"okay lang yan sir, di lang naman kayo mahilig sa ganyan alam nyo bang fan din ako ng ----" di nya naituloy dahil sumingit ako ng pag sasalita."nako hindi pang regalo ko kasi yan hehe"
"ah ganun po ba" ningitian nya ako na parang may ibig syang sabihin, tumango nalang ako sa kanya at ipinabalot ko na yung tatlong librong nabili ko.
Dumaan muna ako sa isang ice cream parlor para magpalamig.Nasa kalagitnaan ako ng masarap na pagkain ng ice cream ng mapansin ko yung parang may nag kaka gulo sa labas ng parlor nato.
Pagka ubos na pagka ubos ng ice cream ay lumabas na ako, baka may show kaya maraming tao."WALANG MANGINGIALAM KUNG HINDI MAMAMATAY TONG BABAENG TO!" sigaw ng isang boses lalake
"HUMINAHON KA SIR, MAPAG UUSAPAN YAN" ani rin ng isang pang lalake.
Ano bang meron at nag sisigawan sila?
Dahil sa malaki naman ako sa ibang tao dito madali akong nakasiksik para makapunta sa harap.WTH! akala ko show lang meron palang nagaganap na hostage taking dito.
Iyak ng iyak yung babae na may nakatutuk na kutsilyo sa leeg nya, madiin siguro ang pagkaka tutok dahilan para mag dugo ang kanyang leeg."TAWAGIN NYO YUNG IPINAGPALIT NITO SAKIN! TAWAGIN NYO YUNG NAG TANGGAL SA AKIN SA TRABAHO!" sigaw nung lalake
"BRAD PWEDE NAMAN KAYO MAG USAP NG AYOS WAG GANITO" sigaw ng guard sa lalakeng nang ho-hostage."MAAYOS? NAKIUSAP AKO NG AYOS SA KANYA ANONG GINAWA NYA TINANGGAL NYA PA RIN AKO AT IPINAHIYA! TAPOS MALALAMAN KO NAKIPAG LANDIAN SYA SA GIRLFRIEND KO!" maluha luhang ani nung lalake, bad naman talaga ginawa nung lalakeng sinasabi nya, pero dipa rin tama ginagawa nya ngayon.
"Blue pleas pag usapan nalang natin to" iyak naman ng iyak yung babae
"TUMAHIMIK KA MANLOLOKO KA! PLANADO NYO LAHAT DIBA!" sigaw nya sa babaeKinakausap ng guard yung lalake kaya kinuha ko atensyon ng babae, eh parang mga tanga naman kasing guards to puro salita ayaw gumawa ng aksyon.
Anong akala nila drama itong napapanood nila lang sa TV, masama na lagay nung babae puro pa rin sila dada, baka kapag diinan pa nung lalake kutsilyo sa leeg ng babae mamatay sya, oo na OA ako pwede naman syang maligtas pero dalikado talaga dahil leeg yun, mga baboy nga kapag sinaksak sa leeg patay na agad tao pa kaya?..Buti nalang tapatan lang nito National book store, humiram ako ng papel na pwedeng pag sulatan at isang marker pen.
Agad akong nag sulat para mabasa nya.
'KAGATIN MO KAMAY NYA AT IUMPOG MO ULO MO SA MUKHA NYA' pauna kong sulat mukha naman nabasa nya kaso umiiling lang sya, agad kong tinanggal yung papel dahil humarap yung lalake sa gawi ko.
YOU ARE READING
ART OF LOVE
FanfictionART OF LOVE PENCIL (Editing) ART OF LOVE ERASER (soon...) ART OF LOVE COLORS (soon...) ART OF LOVE PAINTING (soon...) ART OF LOVE PAPER (soon...)