Ell's POV:Tuesday morning! kinakabahan ako sa resulta ng exam ngayon kasi i-a-announce. Ako yung professor pero ako yung kinakabahan, samantalang mga studyante ko ay excited malaman ang resulta.
Hindi pa rin pala naka pasok si zack, kawawa naman sya.
Madalaw nalang after class isasama ko ang mga kaibigan nya para matuwa naman sya."sir baka mamaya pa yun ayaw nyo muna bang mag turo?" tanong ni june
"epal ka june"
"ine-enjoy pa namin yung free time oh"
"mag aral ka mag isa mo!"
pag rereklamo ng ilan kong studyante kay june."suntukan nalang dali!" bulyaw ni june, dumampot ako ng libro at ibinato kay june, agad naman syang nakailag.
"wala ako sa mood pa mag turo, ayaw mo bang maupo nalang muna dyan at mag hintay... Mag daldalan pero wag masyadong malakas o kumain kayo kung may dala kayong pagkain sige lang gawin nyo" ani ko, tuwang tuwa naman sila samantalang si june ay lalong na irita dahil inaasar sya ni benny at lucky.
Halos mag lu-lunch break na ng dumating si ms adon para iabot ang isang papel, laman daw nito ang resulta ng exam.
Ipinaliwanag nya rin na ang sampung pangalan lang ang nakalagay sa papel, so meaning kapag wala akong nabasang name ng kahit isa sa studyante ko bagsak sila, hays sana talaga may ilang nakapasa sa kanila.
Kung pwede nga lang silang lahat na eh..Pa suspense kong binuksan ang papel, sa una, pangalawa, pangatlo ibang pangalan pa rin nakikita ko ng makarating sa apat ay ganun pa rin.
Nanlaki ang mata ko ng makarating ako sa pang limang nakapasa, ngumiteng tagumpay ako at tumingin sa mga studyante ko.
"Congratulations benny ramos dahil isa ka sa nakapasa!" tuwang tuwa kong ani, napatayo sya at nag susumigaw
"woah! Ayos!!!" sigaw nya, binati sya ng mga kaklase nya.Akala ko itong si benny puro kalokohan lang alam eh, may ibubuga rin pala noong huling exam sa lahat talaga ng nakita ko sa kanya yung pinaka gusto kong painting, biruin mo sa simpleng gawa nyang yun ay napag sama sama nya ang samu't saring emosyon na talaga namang nakakahanga.
"Dipa tapos nasa number 5 palang ako at lima pa ang diko nakikita.... Class alam ko lahat kayo nagpursigi para sa exam kaya ngayon palang binabati ko na kayo, Lahat kayo ay magagaling, mga talentado at tunay na artist para sakin" mgumiti sila at nagpa salamat.
Bumalik ako sa pag tingin sa papel, gaya ng ginawa ko kanina ay inisa isa kong tignan bawat numiro na pinag lalagyan ng pangalan.
Natuwa ulit ako dahil may isa nanamang studyante ko ang nakapasa, medyo naawa lang ako sa ibang studyante ko dahil alam kong nag pursigi sila pero natutuwa rin naman ako dahil mau nakapasang dalawa mula sa kanila.
"congratulations to....... Lucky salazar ikaw ang pangalawang nakapasa" hindi sya tumayo pero tuwang tuwa sya na nakipag apir kala june.
"Congratulations pa rin class, hindi man napili sa inyo ang karamihan may tiwala pa rin akong maganda ang magiging future nyo, mag sikap lang kayo at mag tiwala sa sarile" ani ko.
ngite silang nagpa salamat sakin dahil sa sinabi ko, meron pa ngang nag sasabing nangangako sila na kapag naging maganda ang future nila ay ako agad ang babalitaan nila.
Eto gusto ko sa mga studyante ko mga takot at hirap tumanggap ng panget na bagay pero sa dulo sila pa rin ang mag tsi-cheer up sa mga sarile nila.
Lunch break cafeteria ulit kami, hindi ko na muna binalak sabihin kay anton plano ko dahil alam kong tatanggi itong sumama, itetext ko nalang mamaya itong sila lucky.
Sa totoo lang kaming mga professor pwede namang sa P.room na kami kumain pero dahil sa naka sanayan ko naring kumain sa cafeteria madalas nako dito, ganun rin naman kung doon ako kakain kukulitin lang ako nila lucky para sumabay sa kanila kumain.
YOU ARE READING
ART OF LOVE
FanfictionART OF LOVE PENCIL (Editing) ART OF LOVE ERASER (soon...) ART OF LOVE COLORS (soon...) ART OF LOVE PAINTING (soon...) ART OF LOVE PAPER (soon...)