AOL:Pencil 28

538 13 7
                                    

Kenn's POV:

Alam kong namiss nyo ko dahil ilang chapter din akong di nagpa ramdam, kasalanan kasi ng alien yun.
(a/n:sisihin ba ako? tanggalin na kaya kita ng tuluyan sa kwentong to hahaha)

Narito ako ngayon para kausapin ang isang taong, malaki ang naging bahagi sa buhay ko.
Sya ang tumulong sakin simula ng pagka bata ko, sya na ang tulong sakin simula ng mawala mga magulang ko.

"Wag mong sasabihin kay ell na narito ako, sumaglit lang talaga ako para kausapin ka ng personal" pauna nyang ani.

"kenn dahil sa nakikita kong masaya ang apo ko sa ginagawa nya bilang professor ayoko syang guluhin pa roon, sa kanya dapat ako mag papatulong pero naisip kong baka wala rin syang magawa... Kenn sayo ako lumapit dahil mas makakatulong ka sakin" hindi ko alam pinag sasabi ni sir lemlie.

Oo sya ang umampon sakin at nag alaga simula ng iwan ako ng nakakayanda kong kapatid, sya ang bumuhay sakin, nagpa aral ect.

"Hindi kita pipiliting gawin to lalo na't kapatid mo at mga kamag anakan mo ang makakalaban mo" tuloy nya.
Lalo naman nagula utak ko sa mga sinasabi nya.

"Plano ng mga ramos agawin ang kumpanya ng anak kong si yllor, tingin ko ay gusto nila gumanti sakin dahil ako ang sinisisi nila sa pagka wala ng padre de pamilya nila....
Sila at ang kapatid mo ang nag babalak noon kaya kahit alam kong makaka apekto sayo ay humingi pa rin ako sayo ng tulong" ani nya.

Hindi ko inaakalang may pamilya akong malalapit lang sakin, at hindi ko akalaing kakalabanin nila ang tinuturing kong pamilya ngayon.

Matapos ipaliwanag lahat lahat sakin ni sir lemlie ay diko napi gilang maluha, bakit kailangan nilang gawin yun kala sir lemlie, ang totoo ako yung nahihiya dahil sa pinag gagawa nila.
Kilala ko ang pamilya ng legazpi dahil sa kanila narin ako lumaki, wala akong maiipintas, masasabing masama sa kanila dahil sadyang mabubuting tao naman sila.

Kaya bakit kailangan nila gawin iyon para pahirapan ang itinuturing kong pamilya ngayon?.

"Kumbinsihin mo ang kapatid mong makipag tulungan satin, alam ko namang makikinig ang anak kong si yllor sa kanya, paaminin mong may plano sila ng tiyahin nya sa anak ko.
Nag aalala ako sa anak ko sa pwedeng mangyari at ayokong madadamay pa ang apo ko, ayoko ng makita si ell na nahihirapan.
Sobra sobra na pag hihirap nya simula palang bata sya at alam mo yun kenn dahil nakikita mo naman yun....
Wala lang akong magawa sa ama nha dahil nag aalala rin ako sa kalagayan ng anak ko" mahaba nyang paliwanag.

Tama naman lahat sinabi nya, bilang magulang mahirap talagang nakikita mo ang anak mong misirable sa pagka wala ng mahal nya sa buhay, hindi lang talaga matanggap ni sir yllor na wala na pinaka mamahal nyang asawa kaya imbes na mahalin nya ang supling naiwan ni ms ella ay puro galit sa puso nya ang tinanim nya.

Mabuti't matatag tatag si ell, naiintindihan nya naman siguro kaya ganun sya, na kahit anong sama ng ama
nya sa kanya ay patuloy nya pa rin itong pinapatawad.
Sabihin na nating ayaw rin ni ell na nakikita ang ama nyang nahihirapan sa sakit kaya sya ang nag titiis para lang maibsan yung sakit na nararamdaman ng ama nya.

May sakit rin sa puso si sir yllor kaya ayaw na ayaw ni sir lemlie na ma stress to kaya't kapag may ginagawang masama ito kay ell ay tanging pag tatago lang sa apo nya nagagawa nya noon, mapa hanggang ngayon naman.
Ipinag tatanggol naman nya si ell pero wala pa rin syang magawa.

Ipinaiintindi na lang yan ang sitwasyon kay ell para lalo hindi ito mawalan ng lakas na loob para mabuhay.

"gagawin ko po, kakausapin ko ang kapatid ko" pursigido ako sa sagot ko, gagawin ko to para hindi lang makabawi sa kanila, gagawin ko ito dahil ito ang tama, gagawin ko ito para sa pamilyang nag mahal at nag aruga sakin.

ART OF LOVEWhere stories live. Discover now