Ell's POV:
Hindi ko maintindihan sa dean nayan bakit ako ang kailangang mag hirap sa gaganaping senior grand ball na darating,pumayag na nga akong maging mc gusto nya ako rin mag isip ng concept, o kung hindi naman daw ako gagawa ng design.
Mukha bang ako lang mahusay sa art? anak ng nuno naman talaga, ano ganap ng ibang professor maki party lang..
Hindi ako mag hihimutok ng ganito kung tutulungan nila ako, pero nag usap usap kami ako lang daw talaga ang bahala, sila tulong tulong sa pag aarange ng makakain. Ano to lokohan! kayang kaya nilang magpa catering buset!."Pag pasensyahan muna kami, jiho ikaw lang talaga aasahan namin dito... sige kami na sa concept sabihin mo nalang samin ang gagawin mong design's, drawing ect.." ani dean yung totoo tinatamad lang kayo diba?!
"Sige pero hihiling po ako na tulungan ako ng klase ko para di ako masyadong mahirapan" ang klase ko sabihin na nating mahirap makatanda ng mga history about arts pero maasahan naman sa pag dedesign, yung nakaraang group project namin diko inasahang ang ganda ng kalalabasan ng pinag tulong tulungan nila..
"sure mas okay nga yun" ayun tinatamad silang tunay, imposibleng wala silang magagawa sa bagay bagay about sa ball, tanga nalang maloloko nila! Hindi sila mapupunta dito sa AU kung wala silang kaalam alam sa arts.
Tamad sila fine, makaka ganti rin ako sa kanila lalo na sa dean hahaha."pwede na kayo bumalik sa kanya kanya nyong room" huling ani dean.
Agad naman akong bumalik sa room, hindi na muna ako mag tuturo tutal malapit na lunch break."Class alam nyo nanaman parating na ball nyo diba?" tumango sila sa tanong ko
"ganito dahil sa tinatamad lahat ng professor's para tulungan ako, sa inyo sana ako hihinge ng tulong.... design lang naman gagawin natin, sila na daw kasi bahala sa concept basta babagay sa gagawin nating design" patuloy ko"sir abstract po ba?" tanong ni lezter
"maumay kayo class, ang daming pwedeng gawin nandyan visual art, decorative art ect." alam ko naman lahat sila gustong gusto ang abstract pero kailangan may maisip naman sila na maganda pa.Dito sa AU hindi isa o dalawa lang pinag aaralan, dahil mula sa pinaka basic hanggang sa pinaka mahirap na tungkol sa arts pinag aaralan dito.
Karamihan ng nag tatapos dito kilala sa pilipinas at sa ibang bansa.Kaya kilalang kilala rin itong university nato noon, nung matitino pa studyante pero ngayon karamihan ng nag aaral dito kung di kalokohan ang alam, puro pag lalaro lang inaatupag.
Nakakasigurado ako na iilan lang ngayon ang sisikat sa kanila bilang artist."Sir pinabibigay ni mama" ani june at inabot ang isang box na cupcakes
"nako may padala nanaman si mama, kakahiya na hehe pero pasabi salamat" nung nakapag kweto ako kay madam at sinabi nyang ituring ko syang ina halos araw araw na nya ako pinadadalhan ng cupcakes, hindi ko alam kung bakit kailangang araw araw nya ko padalhan pero salamat narin parang nakakatanggal ng pagod at stress kapag nakakakain ako ng cupcakes na gawa nya, gusto nya rin tawagin ko syang mama hehe.
"sige po" bumalik na si june sa inuupaan nya at nakipag kwentuhan kala lucky.Lunch break, sa office kami ng dean kakain ewan ko ba anong trip nitong dean at may pausong ganito.
Ipinamahagi ko sa kapwa ko professors yung cupcakes, diko rin naman mauubos sa rami."Anak eto ipinag luto kita" ani dean bago ako inabutan ng kaldareta, imbes na sa kanya ako tumingin ay napatingin ako sa ibang professor na narito, na nakatingin rin pala sakin.
Ningitian ko nalang sila at bahagyang yumuko, nahihiya ako promise alam naman nila na magiging step mother ko itong dean pero ayoko ng ganitong pakikitungo nya sakin, naiilang ako at hindi ko alam bakit pakiramdam ko dapat akong hindi makipag mabutihan sa kanya.
YOU ARE READING
ART OF LOVE
FanfictionART OF LOVE PENCIL (Editing) ART OF LOVE ERASER (soon...) ART OF LOVE COLORS (soon...) ART OF LOVE PAINTING (soon...) ART OF LOVE PAPER (soon...)