Kadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Noong una akala ko 'di na ako magmamahal pero noong dumating ka parang gusto ko ulit subukan puso'y muling pagbibigyan.
Takot sa isipa'y 'di na hahayaan hindi na hahayaang lamunin ang sarili sa kalungkutan muli kong haharapin itong nararamdaman.
Nararamdamang sa'yo ko lamang ilalaan ilalaan nitong puso kong dating nasaktan ngunit dahil sa'yo muli ko itong bubuksan.
Hindi ako sigurado kung mamahalin mo din ba ako? hindi ko din alam kung masasaktan lang ang puso? sa lagay kong ito walang kasiguraduhan.
Ngunit isa lang ang sigurado noong nakilala't dumating ka sa buhay ko mahal na kita, yun ang totoo.
Puso'y muli na namang tumibok ng ganito walang duda, walang biro muli na naman akong magmamahal para sa'yo.