Hinintay ang ulan at biglang umapaw.
Tayo'y tuluyang nagpaalam.
Inaasam ang pagsikat ng araw,
para itama ang kamalian.Gigisingin ako ng orasan sa gilid.
Muling babangon para makita ka.
Dadampi bawat sinag at pipikit.
Karagatan ng ulap ay abot kamay na.Lilingon kung saan ka unang masisilayan.
Abo'ng langit habang palubog ka sa kanluran.
Maya-maya'y papalitan ka na ng buwan.
Patuloy lang kitang aabangan sa silangan.Takot akong dumating ang dilim,
at tuluyan kang magpaalam sa'kin.
Kaya dinggin aking panalangin,
na muli kang makapiling, sana'y patawarin.Patuloy lang iikot ang mundo.
Hiling ko'y pagsikat ng araw sa silangan.
Bawat minuto'y bilang hanggang magtagpo.
Na muli, mayroon akong babalikan.Nanatiling naghintay sa silangan.
At sa'king pagmulat, muli kang nakasama.
Ngingiti dahil muli kang nasulyapan.
Kung maari huwag ka nang mawala.~Ako Sa Silangan
11/24/2019; 15:05
BINABASA MO ANG
Hundred Thoughts of You
PoetryKadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...