Kadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Huminto tayo't nagtanong ka saglit naniwala ka naman sa sagot ko nagtanong ka ulit hindi ka parin kuntento.
Kung ano ang sagot ko sa unang tanong mo gayundin ang sagot ko sa pangalawa na pareho din sa pangatlo gayundin sa pang-apat at panglima.
Biglang nag-alinlangan biglang gusto kong bawiin ang kasagutan gusto kong sabihin, akin na bang aaminin na ako'y nagsisinungaling lang?
Kaya huwag mo na ulit akong tatanungin kung ok lang ba ako? kasi ayoko nang mahirapan lalong sawa na akong saktan ng paulit-ulit ang sarili ko.
Kaya naman huwag ka nang mag-atubiling ako'y tanungin kasi pagod na akong magdamdam pagod na pagod na akong magsinungaling sa laging sagot ko sa'yong, "ok lang."