Isusuko Na

64 2 0
                                    

Kapag malungkot ka, pinapatawa kitangunit sa iyo'y hindi yun mahalagakapag nagtatampo ka, linalambing kitapero bakit parang hindi mo yun nakikita?kapag inaaway mo ako, sinusuyo kaagad kitapero mas lalo lang lumalalalumalala ang awaybumabalik parin...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kapag malungkot ka, pinapatawa kita
ngunit sa iyo'y hindi yun mahalaga
kapag nagtatampo ka, linalambing kita
pero bakit parang hindi mo yun nakikita?
kapag inaaway mo ako, sinusuyo kaagad kita
pero mas lalo lang lumalala
lumalala ang away
bumabalik parin ang lungkot
lagi nalang may tampuhan sa isa't isa.

Pinipilit kong patahanin ang luha
luhang nagbabadya sa'yong mata
matatamis na salita ang naisip kong paraan
pero bakit at pilit parin itong kumakawala?
alam mong 'di ako sumuko
tuloy-tuloy kong linaban
ang nararamdaman
pilit kong pinaglaban
ang pagmamahal ko sa'yo.

Sa katunayan, sa'ting dalawa ikaw ang sumuko
oo, iniwanan mo akong nag-iisa
ako lang ang humarap at lumaban sa giyera
giyera sa pagitan ng pagpapatuloy o pagpaparaya
hindi ko alam kung sino sa kanila ang mananalo
at sino ang pilit na susuko
hindi ko alam
gusto kong ipagpatuloy
pero wala namang kasiguraduhan.

Tumalikod ka at tumakbo palayo
malayong-malayo mula sa kinaroroonan ko
paano ko pa ipagpapatuloy ang laban
kung wala ka na nag-iisa kong dahilan
sa laban na 'to puso ko ang sobrang nasaktan
oo, lumaban ako pero siya ang nagalusan
minahal ka lang naman niya
pero bakit hinayaan kong mapuruhan siya ng sobra?

Kaya sa pagkakataong ito
ililigtas ko ang puso ko
tatapusin ko ang nasimulang giyera
hanggang sa mapasuko ang puso
susuko din ang pusong nagmamahal parin sa kanya
sisiguraduhin ko
masasabi din nito balang araw
na hindi na ikaw ang mahal niya
at nararamdaman nito para sa iyo'y wala na
isusuko na.

Hundred Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon