Muling sisikat kung saan ka naghihintay.
Sana sa paglubog, hinayaang sumabay.
Pilitin man nating pawiin ang lumbay.
Maglalapit pero muling magkakahiwalay.Isang oras pa't sasamahan ka na ng buwan.
Masisikatan pa ba kita sa silangan?
Nag-iisip kung paano mo siya titigan.
Baka tuluyan mo na siyang piliin kailanman.Hinayaan kong takpan ako ng itim na ulap.
Umiyak ang langit at 'di na mahanap.
Kung akin lang sanang pinalampas.
'Di sana ako nahiwalay sa'yong yakap.Kung kaya ko lang sabayan ang ikot ng mundo.
'Di mo na kailangang maghintay sa silangan.
Sa pagsikat ko sana'y huminto
para muli na kitang mahagkan.Pigilan man ako ng ulan na ika'y makasama.
Dala parin ang liwanag para iyong madama.
Ilalayo tayo ng panahon para 'di magkita.
Ipaglalaban kita para ituloy ang ala-ala.Humiling ka't ako'y kusang nahulog.
Magkahawak kamay nang sasalubungin.
Kasama na kita hanggang sa paglubog.
Araw-araw sisikat sa'yong piling.~Muling Sisikat
12/05/2019; 22:45
BINABASA MO ANG
Hundred Thoughts of You
PoesiaKadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...