Handang lakbayin ang daan
marating ang dulo't ika'y madatnan
hakbang patungo kung nasaan
walang katumbas ang pagmamahal.Nasindihan na ang mga ilaw
oras na ba para bumalik
magkakaroon pa ba ng ako't ikaw
magmamahal nang higit sa saglit.Magkalayo man ang landas
nakatanaw parin sa iisang bituin
sa pagbaybay sana'y 'di umatras
lilitaw ang kinubling damdamin.Mga ilaw sa daan na nagsilbing gabay
tumagal pa't init nila'y naramdaman
nagmistulang mga bituing sumabay
may huling bituin sanang nag-aabang.Sobrang daming lamparang nalampasan
karamihan sa kanila'y patay sindi
kakaiba ang dalang pagmamahal
hihinto sa huling lampara sa tabi.Sa huling bituin lang nahumaling
pag-ibig ang siyang papairalin
takot ay tuluyang lilisaninika'y lampara ng pusong nagtago sa dilim.
~Huling Lampara
01/21/2020; 15:33
BINABASA MO ANG
Hundred Thoughts of You
PuisiKadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...