Bungang Pag-ibig

44 0 0
                                    

Binaon ko ang nararamdaman sa'king puso
diniligan, inalagaan hanggang sa tumubo
hanggang sa namulaklak at lumago
tuluyang lumaki't nagkaraoon ng bunga't ito'y napuno

Napuno ang puso ko ng pagmamahal
kakaibang bunga ng pag-ibig na 'di pa hinog
wala kong magawa kundi ang pagmasdan
hihintayin kita hanggang sa'kin ka mahulog

Ang sagutin mo ako'y 'di ako sigurado
ang maging tayo'y sa tingin ko ay malabo
pero mamahalin parin kita mula sa malayo
nararamdama'y mananatiling nakabaon para sa'yo

Hanggang sa paglubog ng araw
pilit ko paring isisigaw
kahit na ako lang nakakarinig
ipaparamdam nalang sa'yo hanggang sa masungkit

At pagdating ng oras na puwede ng pitasin
kapag kaya ko na na talagang palayain
ito na 'yung pagkakataong akin ng aaminin
kaagad ihahanda ang puso para tuluyan kang ibigin.

~Bungang Pag-ibig
05/04/2019; 20:50

Hundred Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon