Tila may mga gabing naiisip ko na...
mga gabing hinihiling ko na sana ramdam niya
at alam niya
itong nararamdaman ko kahit 'di ko aminin sa kanyaHindi kayang sabihin
kung kaya't umaasa nalang sa baka sakali lang naman
'di ko man lang kasi maamin
na sana sa kanya'y nahulog na ng tuluyanMagkaiba ang gusto naming dalawa
pero para sa'kin 'di naman 'yun mahalaga
ang importante siya ang laging kasama
kahit ako lang ang nakakaalam na mahal ko siyaKapag sinabi kong "napakagandang titigan ang mga bituin"
nakatingala ako sa langit pero sa kanya ko inihahambing
isa 'yun sa paraan ko ng pagpaparaya ng damdamin
tanging alam kong pagsasabi ng "sobrang sarap niyang mahalin."~Kayganda ng mga Bituin Bawat Gabi
05/04/2019; 09:50
BINABASA MO ANG
Hundred Thoughts of You
PoetryKadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...