Anong mayroon sa mundo niya't hindi ako makaalis?
anong meron dito't lagi akong pabalik-balik?
sa lahat ng lugar na napuntahan ko,
itong mundo niya ang gusto kong titigan
natatanging mundo na laging binabalik-balikan
nag-iisang mundo na gusto kong kuhanan ng litrato
na kada bawat titig sa bawat sulok nito,
may mga kakaibang ala-ala
ala-alang sadyang bumabalik
at unti-unting nabubuo.Napatitig ako sa'king kamera
habang walang tigil ang hinlalaki sa pagpindot
dahil hinahanap kita
gusto kong hanapin ang mga ala-ala nating dalawa
ala-alang binuo natin dito
dito mismo
sa mundo mo
kung saan tayo nagkatagpo
kung saan ako nakaramdam ng kakaibang kasiyahan
kasi dito kita natutunang minahal
dito unang nahulog ang loob ko sa'yo.Hanggang sa napatigil ako sa pagpindot
'di dahil sa daliri ko'y nangangalay
kundi dahil nakita ko ang litrato ng dalawang kamay
kamay nating nakakapit
nang sobrang higpit
magkabuhol ang bawat hinliliit
habang ang hinlalaki'y magkadikit
ito ang unang pagkakataong nangako tayo sa isa't isa
na kukuha pa tayo ng maraming litrato
litrato ng mga ala-alang bubuoin natin
nang tayong dalawa
nang magkasama
habang hawak-hawak mo ang kamay ko
at 'di ko mabitawan ang kamay mo
paa't kamay nati'y laging magkasabay
magkapareho ang gawa't lakad at ng linalakbay
pero kailangan mong umalis
pansamantala, iiwan mo ako saglit.At ngayon, nandito lagi ako sa kanyang mundo
pabalik-balik
nagbabakasakali
at pilit nag-aantay sa muli niyang pagbabalik
sa kanyang mundo
na nagsilbing aking paraiso
dito sa kanyang mundo na naging mundo ko narin
pangakong siya'y patuloy na aantayin
bubuoin ko 'to ng ilang ulit
at 'di ko hahayaang wasakin 'to ng iba
sobra na akong nananabik
kaya sana bumalik na siya
sabik ng muli siyang makasama
dito mismo
sa kanyang mundo,
sana maipagpatuloy pa namin ang ala-ala.Sa Kanyang Mundo
January 24, 2018; 09:10 PM
BINABASA MO ANG
Hundred Thoughts of You
PoetryKadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...