Ulan
Tulad ng halamang kailangan ng panandaliang ulan
at ako nama'y ikaw lang
para akong batang uhaw sa pagmamahal
na sa bagyong daraan, ay umaasang ipaglalaban.Init
Nais maramdaman ang init mula sa papasikat na araw
sa bawat pagbangon, ikaw ang laging tanaw
titikman ang kapeng tinimpla mo kanila lang
at kapag takipsilim, kasama kang nakasilip sa kanluran.Lamig
Pinabayaan ang kape hanggang sa lumamig
unti-unti nating natitikman ang pait
hinayaang umulan at lumakas ang ihip
pansamantalang naglaho ang nabuong pag-ibig.Tamis
Ngunit ikukubli ang lamig sa'ting pagitan
pilit iiwasan ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan
hahanaping muli ang init sa araw na masisilayan
magkasamang babalikan ang tamis ng pagmamahalan.~Panahon at Ang Tamis
10/24/2019; 19:45
BINABASA MO ANG
Hundred Thoughts of You
PoetryKadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...