Panaho'y kusang nakikisama
umaayon sa'king nararamdaman
namumutawi sa labi ko ang saya
umaaraw at maaliwalas ang kalangitanHanggang sa palubog na ang araw
muli na namang mamamangha sa mga tala
sa tuwing ikaw ang natatanaw
kita ko sa mga mata mo ang ningning nilaHabang nasa isip kita,
tula'y mas lalong lumalalim
lagi kitang nagugunita
nalulunod parati ang damdaminKalmadong muli ang dagat
gaya ng huli kong pagpunta
nais kong patungo sa'yong naglalakad
dahil ikaw ang laging alintanaBawat bagay na nakikita sa paligid
sa atin lahat konektado
'di mo na sa'kin maiaalis
asahan mong mamahalin pa kita laloLaging dama ang koneksyon natin
'di ko magawang lumayo
sa dulo ng kuwento laging aantayin
kasunod ng ikaw at ako, sana ay tayo.~Konektado
08/01/2019; 19:33
BINABASA MO ANG
Hundred Thoughts of You
PuisiKadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...