Tulad ng Buwan

20 0 0
                                    


Mananatili kung saan nilisan
pait ma'y paulit-ulit akong saktan
iniwan sa alapaap ang pagmamahal
babantayan hanggang iyong balikan.

Nagpadala sa iyak ng ulap
unti-unting nabasa ng ambon
isa't isa'y 'di na mahanap
nagtago pero 'di sumilong.

Sa tagal ng pagtira sa kawalan
unti-unting nakilala ang kalawakan
napalapit sa dalang liwanag ng buwan
sakit sa puso'y naiibsan.

Nakatanaw sa parehong buwan
gumagaan sa bawat paghikbi
pilit ipapahinga ang nararamdaman
dala niya'y pag-asa sa pusong sawi.

Ipapaalala sa atin ng gabi
na minsan tayong naging buwan
kalungkutan ay 'di masabi
kalimitang buo, minsan nagkukulang.

Ngunit takpan man tayo ng dilim,
tayo'y muling liliwanag kalaunan
pinapatahan ang bigat ng damdamin
kislap ng pag-ibig ay lulutang.

~Tulad ng Buwan
02/13/2020; 12:04

Hundred Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon