Tinta Sa Papel

82 1 0
                                    


Kukuha ng tasa't magtitimpla ng kape
ayaw ko pang antukin
'di ko kayang lisanin ang gabi
buong magdamag na naman kitang iisipin

Sa likod ng mga tintang nasa papel
ikaw ang tanging dahilan
sa bawat tulang susulatin
ikaw parin ang nilalaman

'Di ako nauubusan
laging may kataga tungkol sa'yo
sa isip ko'y  kusang nabubuksan
mga titik ay nagkukumpulan para mabuo

Pilit kong inuubos ang mga salita sa isip
para 'di na madagdagan pa ang mga tinta
pero sa puso nama'y patuloy lang ang pintig
sinasabi niyang, "paano ka titigil kung mahal mo siyang talaga?"

Sana interesado kang basahin
mga tulang naisulat mula pa umpisa
simula pa noon nahulog na ang damdamin
hanggang ngayon pinapahalagahan kita

Mga nagamit na salita'y tugma
magkapareho ang sinasabi ng puso't isip
sa'yo ko nahanap ang tamang parirala
na kada dulo nito'y sa'yo ako mas napapalapit

Sa bawat araw ng paggising ko nandoon ka
sa bawat tintang ilalaan lagi kitang isinasama
parehong kasama ang nadarama
pagtinging sa tula ko lang inilathala.

~Tinta Sa Papel

07/08/2019; 22:58

Hundred Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon