Una't Huling Takipsilim

69 2 0
                                    

Natatandaan mo 'yan
kung kailan mo ako iniwan
sigurado ako iyong natatandaan
kung saan ka nagpaalam
kung kailan at saan ka huling nasilayan
kung kailan at saan mo binitawan
ang huling kataga
ang huling salitang, "paalam"
dito mismo
sa lugar na ito
sa eksaktong araw at oras ngayon
dito ka humiwalay

Kasabay ng pagbanggit mo ng salitang paalam
narinig ko ang nakakabinging tunog
dire-diretso
walang hinto
pilit akong sumisigaw
ngunit maging ang boses ko'y 'di na marinig
tanging ang tunog nalang na nagmumula
sa makinang nasa tabi mo ang naririnig ko
habang ika'y nakahiga
habang nawawalan ka na ng hininga
wala akong magawa
kundi ang umiyak
sumigaw
magmakaawa
na sana makasama pa kita
hawak-hawak ko parin ang kamay mo
habang abala silang lahat para bumalik ang pintig ng puso mo
lalong lumalakas ang dire-diretsong tunog na kanina ko pa naririnig
hinihiling ko na sana maging putol-putol ulit ang tunog na yun gaya ng dati
para muli kong marinig ang tibok nito
pakiusap tumibok ka ulit

Pero ang dating mahigpit na hawak
lumuwag at kumalas sa pagkakakapit
sinimulan nating sinabi sa isa't isa noon na bubuo tayo ng pangarap
na bubuoin natin isa-isa ang mga iyon
nang magkasama
na magkahawak ang kamay
at kahit anong mangyari wala sa atin ang bibitaw
pero namalayan ko na kamay ko nalang ang natitira
akala ko hawak-hawak mo pa
pero bumitaw ka na
ako nalang mag-isa
bakit bumitaw ka bigla?

At ngayon basang-basa ang mga mata
biglang bumagsak ang luha na kanina ko pa pinipigilan
dahil naaalala kita
kung gaano ka kasaya
at sobrang saya ko din kasi nakasama kita
kung paano mo pinakawalan ang ngiting iyon
pinakamatamis na ngiting nasilayan ko
kasabay nun, nakita ko ang ningning sa mga mata mo
dahil nahawa ako
napapangiti din lagi ako dahil sa'yo

Tatlong taon na ang nakalilipas mula noon
sobrang saya ang naramdaman ko
sa pagpatak ng alas singko ng hapon
ang dating ako lang ay naging tayo

Habang pinagmamasdan natin ang takipsilim
sana mapagpasyahan mong ako'y piliin
at bago pa sakupin ang langit ng mga bituin
sinagot mo ang tanong ko't ika'y naging akin
pero sa mismong araw din na 'to
nawala ka sa'kin
binitawan mo ang kamay kong mahigpit na nakakakapit sa'yo

Kahit na alam kong mawawala ka na
tinanong parin kita, "Mahal kita, puwede bang maging tayo na?"
"Mahal din kita, pero mawawala na ako
Pakiusap wag kang matakot magmahal ng iba
Salamat dahil sa huling pagkakataon ay minahal mo ako
At hinayaan mong mahalin kita." sagot mo.

At sa huling minutong natitira
isinandal mo ang ulo mo sa balikat ko
habang pinagmamasdan natin ang paglubog ng araw sa kanluran
habang bumibilis ang galaw ng mga kamay ng orasan
konting-konti nalang at ika'y lilisan

Paubos na ng paubos ang oras
natitirang oras na makakasama kita
pero parang ayokong masaksihan
gusto kong pumikit nalang
at isiping lahat ng ito'y panaginip lang
na sana magising nalang ako bigla
nang sa gayon 'di na tayo nasasaktan
at 'di ka na nahihirapan

Pero wala na akong nagawa
kundi tanggapin nalang
hanggang sa binitawan na natin
masakit para sa'king ika'y pakawalan
puwedeng wag mo muna akong iwan
'di ko kayang magpaalam
'di kaya ng puso kong bitawan ang salitang paalam

Sa dinami-dami ng pagkakataon bakit ngayon pa?
sa unang takipsilim kung kailan tayo naging masaya
ay parehong petsa at oras kung kailan ka din nawala
huling takipsilim na masisilayan ko na kasama ka.

Una't Huling Takipsilim
May 17, 2018; 10:00PM

Hundred Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon