Kung Kailan

57 2 0
                                    

Kung kailan ka nakilala
akin pang natatandaan
Kung kailan ako nahulog
at ika'y nagustuhan
Kung kailan ako nagtapat
sana natatandaan mo
Kung kailan mo ako sinagot
at binitawan ang salitang oo

Kung kailan naging tayo
ako lang ang naging masaya
Kung kailan pinahalagahan kita
nining sa mata mo'y' 'di na nakikita
Kung kailan nagtagal
akin lang napagtanto
Kung kailan naging matatag
naghanap ka bigla ng bago

Kung kailan tinapos natin ang lahat
naaalala ka parin
Kung kailan wala na ngang tayo
gusto kong bumalik ka sa'kin
Kung kailan naging tayo ulit
bakit patuloy paring nasasaktan?
Kung kailan nakikita ko na kung bakit
gaya ng dati nagbubulag-bulagan

Kung kailan nagpasyang magpaalam
humingi ka ng isa pang pagkakataon
Kung kailan naglaho na ang pagmamahal
nalunod na naman sayo't kasalana'y muling ibinaon
Kung kailan pinaramdam mong mahal mo ako
'di na tulad ang saya ko noon sa ngayon
Kung kailan pinahalagahan mo na ako
ayoko ng magpakalunod, gusto ko ng umahon

Kung kailan nagsisisi kana sa kasalanan
pasensya na wala na ang dating nararamdaman
Kung kailan humingi ka ng kapatawaran
pintig ng puso ko'y 'di na sa'yo nakalaan

Kung kailan ka nakilala
kailangan ko ng kalimutan
Kung kailan ako nahulog
alam nating 'di mo talaga ako nagustuhan

Kung kailan ako nagtapat
sana kalimutan na natin pareho
kung kailan mo ako sinagot
at alam ko, napilitan ka lang um-oo

Kung kailan naging tayo
alam ko sa kanya ka talaga masaya
kung kailan pinahalagahan kita
ningning sa mata mo'y nasa kanya

Kung kailan tinapos natin ang lahat
nakalimutan ko narin
Kung kailan wala na ngang tayo
bumalik sa kanya't 'di ka na sa'kin
Kung kailan nagpasyang magpaalam
pinaglaruan lang tayo ng pagkakataon
Kung kailan naglaho na ang pagmamahal
alam kong lumangoy pero 'di umahon

Kung kailan nagsisisi kana sa kasalanan
pinapatawad na kita, masasaktan lang tayo kung ipipilit ang nararamdaman
Kung kailan tayo nagkapatawaran
puso'y muling titibok nalang kanino man
kung puso ko't puso niya
ay pareho lang ang laman
sa kung kailan siya
ay ako lang ang tanging mahal.

Kung Kailan
May 16, 2018; 10:05PM

Hundred Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon