Walang Dahilan

31 0 0
                                    

Sa sandaling katahimikan,
napagtantong ikaw ang tangi.
Kung bakit kita minahal?
Wala kong dahilang masasabi.

Sa tuwing kasama ka'y punit ang labi,
mga ngiti'y 'di na mabilang,
hindi ko mapigilan lagi
-parang pagpatak ng ulan.

Araw-araw nahuhulog ang loob sa'yo
at 'di ko kayang pigilan.
Hindi kita kayang isuko,
habambuhay kang ipaglalaban.

Dahil sa bawat lakas ng kaluskos ng hangin,
sandata ko ang pag-ibig natin.
Sa mga alon na matatalim,
matibay ang kalasag dahil ika'y kapiling.

Gusto kita sa bawat panahon,
mamahalin kita ng walang dahilan.
'Di ako magkakaroon ng rason
para tuluyan kang kalimutan.

Ako'y mananatili sa lahat ng oras,
puso ko'y laging nakadikit,
pagmamahal ko'y walang wakas,
maging ako'y 'di mawari kung bakit.

Mahaba na'ng tinakbo ng orasan
at 'di ko parin malaman.
Talaga sigurong pag tunay mong iniingatan,
'di na kailangang maghanap ng dahilan.

~Walang Dahilan

11/08/2019; 19:54

Hundred Thoughts of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon