"Lumalawak ang iyong mundo
Parang pabalik-balik sa bilog
Gusto mong tumakbo palayo
Kasabay mo AKO sa pag-ikot.""Palaging dama ang pait
Magkukunwaring matapang
Tuluyan kang kumawala sa sakit
Sandata mo AKO sa bawat laban.""Mapaglaro ang daigdig
Minsan walang mataguang sulok
Sa yakap ko, subukang umidlip
Muling ngumiti at sumubok.""'Di kailangang sumabay sa agos
o magpatangay sa alon
Magkasama sa simula hanggang matapos
Kasabay lumangoy at sa pag-ahon.""Lunurin ka man ng pangamba
Laging ipapadama ang 'yong halaga
Maglayag ka't aapaw sa puso ang saya
Sandalan mo sa panahon ng pagluha.""'Wag magpadala sa ulan
at tuluyang huminto
Ito'y titila rin naman
'Di dahilan ang lungkot para sumuko.""Nakalimutang tumunog ng orasan
Gigisingin kita sa bawat pagmulat
Itago ang lamig ng alinlangan
Sasabay sa araw sa muling pagsikat."~Kasabay
02/19/2020; 07:05
BINABASA MO ANG
Hundred Thoughts of You
PoesíaKadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...