Pagtinging parang pagtitig sa mga bituin
magaan sa pakiramdam dahil nakatitig ka sa'kin
ngunit 'di mawari kung akin bang aaminin
na nahulog na ang loob at umaasang sasaluhinnahulog ang loob sa'yo
nakasama ka sa sobrang ikling oras
biglang kakaiba na ang trato
pagkakatao'y 'di na mapapalampasPara akong dahon sa sanga ng puno
unti-unti itong tinangay nang dumating ang hangin
walang kasiguraduhan kung may sasalo
pero nahulog parin siya't ipinaglalaban ang damdaminnagpadala ako sa ihip
'di na nagawang kumapit pa sa sanga
mahirap kalabanin ang pag-ibig
kaya sumunod nalang ako sa daloy niyaPara kang bituin na aking kailangan
ako'y buwan na umaasa lang sa kislap mo
wala kong liwanag kung wala ka sa kalangitan
mawalan ka man ng ningning pero 'di sa'king pusoalam kong hanggang tingin nalang
at 'di kayang abutin
ikukubli nalang ba ang nararamdaman?
o pilit na susungkutin?Para kang isang bulalakaw
nang bumababa ako'y nahumaling
at kaagad kong hiniling
na sana sa susunod, mahulog ka na sa'kinbiglaang paglalapit nating dalawa
'di ko na kayang pigilan
'di inaasahang sa'yo ko piniling ipadama
kung kaya't pilit kong ipaglalabanPagmamahal ko sa'yo parang pagkatapos ng ulan
umaasang makita mo ang bahaghari
na sana sa bawat lungkot na maramdaman
ako'ng una mong pipiliing hanapin para tuluyang ngumitibilang ko na ang bawat patak
basang balikat dahil sa luha mo
kusa mo akong nahahatak
kailanman 'di na ako magtatagoPara akong nagbibisikleta
kailangan kong sundan ka
pilit na ipapadyak ang mga paa
magkasabay lang tayong dalawasa bawat biyahe nating aantayin
inaasam kong nandoon tayo pareho
sa bawat liko ng pagsakay natin
magkasama parin sana tayo.~Metapora
06/05/2019; 22:16
BINABASA MO ANG
Hundred Thoughts of You
PoetryKadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...