Kadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sa'king pagtulog, umaasang sa paggising ko magiging tayo ulit sa'king pagbangon tayo na nga ngunit nagkamali ako kasi sa pagmulat ng aking mata'y isa lang pala 'yung panaginip panaginip na kailanman imposibleng mangyari ngunit kung sa panaginip lang magiging tayo mas gugustuhin ko nalang maidlip kasi dun sa panaginip ko akin ka mahal mo ako't mahal kita kahit man lang dun marinig ko mula sa'yo nais kong marinig na sabihin mo na ako lang ang tanging mahal mo kahit hindi na totoo kahit 'di na ito katulad ng dating nararamdaman mo
basta sabihin mo lang na ako parin kahit ang totoo niyan may pumalit na sa'kin puso mo'y may iba nang laman ang puwesto ko sa puso mo'y iba na ang may-ari basta sabihin mo lang na mahal mo parin ako kahit hindi na talaga ako kasi iba na yung mahal mo handang magbubulag-bulagan kasi ganun kita kamahal kaya sana naman iyong sabihin na may pag-asa pa tayo dahil handa akong ika'y antayin
ngunit naisip ko hanggang kailan ako mabubuhay sa kasinungalingan? hanggang kailan ako magiging masaya sa puro kunwari nalang? hindi kasi kita mabitawan kaya heto ako nakikihati sa pagmamahal sa tuwing kasama kita ako lang ang masaya binuhos ko na lahat pero ang atensyon mo na sa kanya pero para sakin ayos lang naman mahal kasi kita kahit ako nalang ang nagmamahal kahit 'di na tayo pareho ng nararamdaman ayos lang kahit papaano ok pa naman ako kaya pa ng puso ko kaya pa ng puso kong mahalin ka samahan ka't ipaglalaban ang meron pa tayo ang katiting na meron nalang tayo kaonting rason para magpatuloy
susulitin ko nalang ang oras natin hanggang sa maubos ang temporaryong panahon na 'di ko mawari kung kailan matatapos bakit ba kasi kailangan nating tapusin? ang ala-alang sa aki'y gustong ulit-ulitin? hindi ba pwedeng magsimula nalang tayo? tayo nalang ulit hanggang dulo? kaya ko pa naman kahit sa'ting dalawa ako nalang pero kaya ba kitang bitawan? kasi handa kitang ipaglaban ngunit ano pang silbi nun kung ako nalang ang sumusugal kaya ko pang ituloy na maging tayo hangga't ikaw parin ang sinisigaw ng puso kakayanin pa niya basta mag-umpisa lang tayo sa simula at manatili lang na tayo sa gitna
isusulat ko nalang sa dami ng ala-ala natin sa isang daang letra ko nalang pagkakasyahin sa tinagal-tagal na ika'y nakapiling sa isang daang letra ko nalang tatapusin dahil yun lang ang kaya kong abutin hanggang doon lang ang kaya kong alalahanin masakit kasi para sakin na balikan ang lahat sarili'y gustong mahanap kung saan-saan na kasi napunta susunduin ko lang sa alapaap mag-isa sa ere kasi napag-iwanan nanatili lang siya doon kasi umasa siyang iyong babalikan pero hindi mo man lang nilingon hindi mo sinubukang bigyan ng pagkakataon
sa pagkakataong 'to hindi ko alam kung kaya ko pang paabutin sa dulo ang kuwento pero... uumpisahan ko sa araw na nagkakilala tayo patungo sa ala-ala nating mas naging masaya pa lalo dahil sa walang humpay na biruan malutong na tawanan ang ibabato sa bawat biro ko pero ayokong tapusin ang kuwento hanggang dulo gusto kong mag-umpisa sa simula at tapusin nalang sa gitna para hindi matapos para kahit papaano masasabi kong mas matimbang parin ang saya kaysa sa lungkot na mayroon tayo ngayon
na kahit papaano sa isang daang letrang kuwento natin masasabi kong kasama pa kita kahit pa sa ala-ala nalang gusto kong ulit-uliting maging masaya at laging iisip-isipin na kahit papaano'y naging masaya tayong dalawa
sa isang daang letrang ang lama'y ikaw lang at ako walang siya walang kayo tayo lang dalawa
sa isang daang letrang kuwento na 'di ko mabigyan ng pagtatapos sa dulo hindi ko madagdagan ng panibagong mga letra para tuluyan ng maging buo gusto ko hanggang dun nalang tayo pabalik-balik sa simula't gitna at pipiliting lampasan ang dulo
ayokong matapos ang istoryang sinimulan natin kumbaga sa isang libro gusto ko may sequel pa pero hindi na tayo ang bida iba na kasi nga wala na wala nang namamagitan sa'ting dalawa oo sa sa dulo ng kuwento wala ng tayo iniwan mo ako at yun ang totoo kaya sapat na sa'kin ang isang daang letrang ginamit ko sa pagbuo ng ating kuwento wala mang dulo pero naging tayo sa simula puro masasayang ala-ala lang sa gitna habang sa dulo'y hindi tayo itinadhana
sa isang daang letrang aking isinulat parang gusto ko ng idugtong ang dulo at lagyan ng tuldok pagkatapos nito gusto ko ng imulat ang mga mata para magising na ako sa katotohanan na hindi ka na sa akin at ang tayo ay mayroon ng hangganan kaya tatapusin nalang
pipilitin kong lagyan ng dulo ang ating kuwento hindi dahil para mabuo na kundi dahil gusto ko ng tapusin talaga pagod na akong magpabalik-balik mula simula hanggang gitna awang-awa na ako sa isang daang letra na pilit kong pinagkakasya sa katiting na papel at paulit-ulit na babasahin sa tuwing gusto kong isipin ka at balikan ang dating mayroon tayong dalawa mga masasayang ala-ala natin na binubuo lang ng isang daang letra
isang daang letra na pilit akong pinapasaya gumaan lang yung nararamdaman ko kung nakakapagsalita nga lang siya siguro sasabihin niya sa'king magtigil na ako sa kahibangan ko at tanggapin nalang na naging tayo lang sa simula pero dumating tayo sa puntong kailangan nating tapusin kung ano ang nasimulan natin lahat ng mayroon tayo na kailangang wakasan sa dulo
sa pagtatapos ng kuwento gusto kong malaman mo nahirapan akong umusad patungo sa dulo hindi man naging tayo sa bahaging ito naging masaya parin ako na sa isang daang letrang sinulat ko mabasa mo rin ang nilalaman nito sa simula kung saan sinulat ko kung paano kita nagustuhan sa gitna kung saan nakalagay kung gaano mo ako minahal kung paano ka naging masaya sa piling ko kung gaano tayo kasaya sa piling ng isa't isa sa isang daang letra 'di ko na isinulat kung paano tayo sumuko't nagkalabuan nag-away at nagbangayan nagkahiwalay at nagkasakitan kasi gusto ko sa isang daang letrang mayroon tayo maituturing ko itong walang lungkot sa dulo na kahit ala-ala nati'y naging kuwento wala itong kapareho kasi simula at gitna lang ang kabuuan nito
at talagang nangyari sa dulo dulong pilit kong pinagdadamot na idugtong sa'ming simula't gitna dulong gusto ko nalang ibaon sa limot pero 'di ko magawa pero kailangan ko ulit subukan susubukang dagdagan ang isang daang letrang nasimulan nang sa gayon tuluyan ng maintindihan akin ng mapakawalan ang tunay na nararamdaman at tuluyan ko ng aamining ako'y nasasaktan nakaya ko na ngang lagyan ng dulo ang kuwento nating puro simula at gitna lang
kasunod ng isang daang letra akin ng wawakasan masakit man pero aking ibubuhos patuloy akong magsusulat hanggang sa matapos at sa dulo ng kuwento'y ilalagay ko ang tanda wala na talaga tayong dalawa makikita na ang huling salita para sa ating istorya kasunod ng huling tuldok sa huling talata hindi Itutuloy... ang mababasa kundi nakalagay sa pinakababa -Ang Pagtatapos. ng ating istorya.