Sumakay ka sa jeep ng malapit ng mapuno kaso sa kasamaang palad arkila lang pala ito. Kung sana nagtanong ka muna at pinansin yung karatulang may nakalagay na private service, hindi sana 'yan mangyayari sa'yo. Napagtawanan ka tuloy ng maraming tao.
Gaya nalang noong sumakay at sumabay sa biyahe ng buhay niya sa pag-aakalang ikaw lang ang gusto niyang isakay at maging pasahero niya. Pero nagkamali ka, kasi dalawa at higit pang pasahero pa pala 'yung pinagkakasya at gusto niyang isakay sa puso niya. Hindi lang kayo sabay kung i-biyahe niya. Isang pasahero kada biyahe kumbaga para hindi halata.
Kaya napagtanto mong bumaba nalang para humanap ng ibang sasakyan. 'Yung tipong makakasigurado kang ligtas ang biyahe mo kasi ikaw lang ang laman. Na sa bawat biyahe na tatahakin niyo'y gusto niyo kayo lang. Walang hintuan, walang babaan. At sisiguraduhin ninyong wala ng ibang makakasakay na kahit na sino man. Kahit pa mayroong magpumilit, at paulit-ulit na pumapara sa daan.
Biyaheng Pag-ibig
February 7, 2019; 2:30PM
BINABASA MO ANG
Hundred Thoughts of You
PuisiKadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...