Kadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Nahihiyang itanong Noong una akin nalang ibinubulong Kung ano ang iyong pangalan Akin nalang bang huhulaan
Dumating ka sa buhay ko ng 'di ko namamalayan Nagpakilala ka sa'kin at akin na ngang nalaman Kung ano ang tunay na pangalan At kung anong gusto at inaaayawan
ang kanyang pangalan ay... para saki'y espesyal 'di lang dahil sa gusto kita kundi dahil sa puso ko'y naging malapit ka at ikaw lang ang tanging hanap niya
ang kanyang pangalan ay... kasing tamis ng kendi 'di na bata ngunit lagi akong nawiwili na kahit sakit sa ngipin ang aabutin masobrahan man puso'y kusang ngumingiti parin
Kung kailangang gumawa ng musika Nang sa gayon sumaya ka Araw-araw magsusulat ng istorya Habang ikaw lang ang kasama
Sabi nila mas lalo kang gaganahan Lagi kang may naisusulat tungkol sa kanya Puro magagandang bagay lang ang nasa isipan At ngiti sa labi mo'y laging abot taenga
ang kanyang pangalan ay... parang musika sa pandinig gumagaan ang lahat kapag ikaw ang bukambibig na kada bawat araw siyang tanging himig na nagpapaindayog sa dibdib kaya gusto ko lamang makinig sa tanging awit ng buhay ko kahit paulit-ulit
ang kanyang pangalan ay... masasabi kong walang katulad 'di puwedeng ikumpara sa iba 'di dahil kakaiba ka kundi ikaw lang ang tangi kong nakikita katangi-tanging gusto kong maalala nag-iisang mamahalin at nais makasama
Nagsimula sa'yo ang lahat habang sa gitna ako'y magtatapat inaasahang sa huli tayo'y magkayakap at sabihing ako din ang 'yong pinapangarap
Sa huli ako'y nagbabakasakali lang Na sabihing pareho tayo ng nararamdaman At sana nga lang matapos doon Sana nga lang pagbigyan tayo ng pagkakataon
ang kanyang pangalan ay... siyang simula ng lahat nang nalaman ko akin ng pinahalagahan napagtantong labis pa sa kaibigan ang nararamdaman puso na mismo ang nagsasabing ikaw lang ikaw lang ang kanyang nilalaman
ang kanyang pangalan ay... sasabihin ko na ito marahil pang apat na buwan ng taon 'di ba Abril? parang puso'y gustong lumundag dahil... siya nga yung -espesyal na kendi na nais kunin musikang walang katulad na nais sulatin na naging simula ng lahat na ayaw tapusin hangga't 'di pa siya pumapayag na maging kumbaga ako'y sa'yo at ika'y akin maging tayo't puso nati'y pagdudugtungin.
Ang Kanyang Pangalan Ay... January 3, 2019; 12:14AM