Humihingi sa tadhana ng pagkakataon
ng isa pang kahapon
mga kahapong tayo'y magkasama
pakiusap isang beses paKahit isang beses lang
puwedeng maging matapang ka naman?
kahit ngayon lang, walang alinlangan
at masabi mo sa kanya ang nararamdamanIsang beses lang ang dinadaing ko
subukan mong magpakatotoo
kahit sa mangyayari'y sobrang kabado
basta sigurado ka sa nararamdaman moTuwing gabi kausap ko'ng mga tala
sa kanila ko unang pinapaalam ang pintig
nalaman na nilang mahal kita
saksi na sila bago ko sa'yo iparinigPinapakiusapan na sana sabihin nila sa'yo
na sa lahat ng bagay sa mundo
ikaw ang pinapahalagahan ko
lalo na yung pagtingin ko para sa'yoAyaw kong mawala itong nararamdaman
lalo kong iniingatan habang tumatagal
nakikilala kitang lubos at mas lalong nagmahal
hanggang sa 'di na kita mabitawanSa bawat salitang babanggitin
sana paniwalaan mo
sa aking gagawing pag-amin
bigyang pagkakataon nang mapatunayan ko pa laloPapatunayan ang bawat sasabihin
tunay nga kitang mahal
'di kailanman babawiin
pag-ibig kong sa'yo lang nakalaanSa isang beses nang muli nating pagkikita
pangakong ipagtatapat ko na
sa isang beses na pagkakataon na laan ng tadhana
tuluyan nang papakawalan ang nadarama.~Sa Isang Beses
06/05/2019; 20:23
BINABASA MO ANG
Hundred Thoughts of You
PoetryKadalasan bago ako matulog o pagkagising ko sa umaga kinukulit ako ng isip ko. Bakit daw ayaw kong makinig sa kanya? Laging wala akong maisagot. Kaya lagi nalang itong sumisigaw. Minsan sa kasisigaw nito nabibingi na ako. Kaya naman mula ngayon gust...